Chapter 8

2235 Words
Chapter 8 Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sinigurado kong nahanda ko na kagabi pa ang aking isusuot. Mabuti na lamang ay may natatabi pa akong isang disenteng bestida na ginamit ko noon nang nag-anak ako sa binyag, tinernuhan ko ito ng sapatos ni Liezel na kulay krema. Tulog pa ang mga kapatid ko habang gumagayak ako. Ayoko kasi na late mag-apply dahil bukod sa mainit sa lansangan kapag tinanghali ka, pangit tingnan bilang isang aplikante kung late ka sa aaplayan mo. Mabuti na ang maagap.  Nang matapos ako ay ginising ko saglit si Liezel upang magpaalam at nag-iwan narin ako ng pera para sa mga baon nila ni Lorenzo. Habang nasa jeep papunta sa unang pupuntahan ko ay nagdasal ako sa isip ko na sana ay kaawaan ako ng Diyos at matanggap. Alas-siyete kinse nang makarating ako sa Serenity Spa And Massage. Agad ay inabot ko sa guard ang aking resume na tinanggap naman nito. Sarado pa sila pero ayos lang naman na maghintay ako, ang mahalaga ay nakarating na ako sa unang aaplayan ko na sinabi sa akin ni Christian. Habang naghihintay ay pinagmasdan ko ang salon. Mukhang malawak ito sa loob at halatang pang-sosyal. Mga mayayaman siguro ang nagpupunta dito. Makalipas ang isang oras at kalahati ay nilapitan ako ng guard upang papasukin na sa loob. Inayos ko muna ang aking sarili at huminga ng malalim bago tumuloy sa loob.  ‘Good morning po.’ ‘Good morning rin. Ikaw si Liberty Dela Riva?’ bati sakin ng isang matangkad na babae na may maamo at magandang mukha. Nakasuot ito ng puting slacks at puting blouse.  ‘Ako nga po.’  ‘Ang aga mo, in fairness Liberty. Tara sa office ni Mam Azineth.’ sumunod ako sa kanya patungo sa isang silid sa kanan. Akala ko ay may aabutan akong tao sa loob pero wala nang pumasok kami. Umupo siya sa may table ay pinaupo rin ako pagkaraan. ‘Ako nga pala si Agatha. Ako ang supervisor dito sa Serenity. Bihira lang magpunta dito si Mam Azineth, minsan isang beses lang sa isang buwan.’ tumango lang ako sa sinabi niya. ‘So kilala mo pala si Sir Hugh?’ kunot ang noo ko na tumingin sa kanya. ‘Sino po?’  ‘Si Sir Hugh. Hugh Christian Altamerano.’ ‘Ah si Christian po. Opo, kilala ko siya. Naging customer namin siya at ang mga kaibigan niya noon sa club kung saan po ako nagtatrabaho ngayon.’ sinilip niya ang resume ko bago muling tumingin sa akin.  ‘Guest Relation Officer ka pala. Hindi ba ay…’ agad akong tumango at ngumiti ng malapad.  ‘Sa totoo lang po Mam Agatha ay hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil maaga po kaming naulilang magkapatid. Wala rin po akong ibang naging trabaho kung hindi ang pagiging call girl o Guest Relation Officer dahil na rin po sa walang tumanggap sa akin dahil hindi po ako naka-graduate ng high school man lang.’  Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Noon kasi ay palagi akong bumabagsak sa mga interviews pagdating sa educational background at work experience. Alam ko naman na suntok sa buwan lang at himala kung matatanggap man ako kaagad sa unang subok ko mag-apply.  ‘I somewhat knew your background Liberty, nasabi na sa akin ni Sir Hugh ang tungkol sayo. Nakakatuwa lang na hindi mo kinakahiya ang profession mo ngayon. Bagay na nakakabilib dahil honest kang kausap.’ ngumiti siya sa akin tapos ay nilapag ang hawak na papel. ‘Wait for me for a while. Babalik rin ako.’ yun lang at lumabas na ito ng silid.  Nagkaroon ako ng pagkakataon para ilibot ang aking mata sa kabuuan ng silid. Malinis ito at puti ang dominanteng kulay sa paligid. May mga ilang hindi kalakihan na paintings na nakasabit sa dingding at dalawang malaking flower vase sa magkabilang gilid ng nakasara na bintana. Nang mapansin ko na matagal bago makabalik si Mam Agatha ay mas lalo na akong kinabahan. Malamang ay bagsak ako dahil hindi naman niya ako masyadong inusisa. Napalingon ako sa pinto nang muli itong bumukas. Pumasok si Mam Agatha bitbit ang isang may kalakihan na plastik. Muli siyang ngumiti sa akin bago naupo.  ‘Sorry natagalan ako. Ang dami pa kasing tinanong ni Sir Hugh sa phone.’ nagtaka ako sa sinabi niya.  ‘Ganun po ba.’ nilapag niya ang plastik sa harap ko. ‘Yan ang uniform na isusuot mo araw-araw Liberty. Tatlong set nga lang yan so bahala ka na since daily ang pasok mo. Although you have a day off pero shifting kasi ang off dito.’ bigla akong nabingi sa mga sinasabi niya. Bigla ay para akong natulala sa kanya at nakatitig lamang. ‘Tanggap na po ako Mam?’ hindi makapaniwala na tanong ko. ‘Yes, you are hired. Welcome to Serenity Spa And Massage, Liberty.’  ‘Talaga po Mam?’  ‘Parang ayaw mong maniwala Liberty. Hahahaha!’  ‘Hindi lang po ako makapaniwala Mam. Thank you po ng marami. Maraming maraming salamat po talaga!’ kinamayan niya ako bago tumayo kaya tumayo narin ako.  ‘Huwag ka sakin magpasalamat Liberty. Kay Sir Hugh ka magpasalamat.’ medyo naguluhan ako sa narinig ko.  ‘Ah Mam? Kaanu-ano po ni Christian ang may-ari ng Serenity? Matanong ko lang po, wala po kasi siyang sinabi sa akin noong huli kaming nag-usap.’ ‘Tita niya si Mam Azineth, Liberty. Actually favorite nephew siya ni Mam Azineth.  Maagang na-biyuda si Mam at hindi nagkaanak, so bale si Sir Hugh na ang kinilala niyang anak.’ nalula ako sa nalaman ko.  Malayo pa lang ako ay natanaw ko na kaagad ang kotse ni Christian. Guwardiya nito sila Mang Damian. Nagmadali akong maglakad nang malaman ko na kanina pa ito dumating. Siguradong sa labas ito naghihintay dahil nasa school na ang mga kapatid ko, at hindi nga ako nagkamali. Agad niya akong nginitian ng makalapit ako sa kanya.  ‘Pasensya ka na Christian. Kanina ka pa raw dito sabi ni Mang Damian.’ mabilis kong nilabas ang susi sa bag ko saka binuksan ang padlock. ‘Tuloy ka muna. Mainit diyan.’ ‘So kamusta ang apply mo?’ nilingon ko siya habang nagsasalin ng tubig sa baso mula sa cooler.  ‘May kasalanan ka sakin ha!’  ‘Ano?’ sagot niya na medyo natatawa. Mabilis kong hinampas ang braso niya pagkalapag ko ng baso sa harap niya.  ‘Bakit hindi mo sinabi na Tita mo pala ang may-ari ng Serenity! Napaka mo talaga!’ malakas siyang tumawa pagkaraan.  ‘Hahahahaha! Hindi mo kasi malamang pupuntahan kapag sinabi ko sayo yun Liberty.’ puno ng pagkaaliw ang mukha niya na mas lalong nagpa-gwapo sa kanya. Umupo ako sa harap niya saka uminom ng tubig.  ‘Ikaw talaga. Pero salamat, natanggap ako ni Mam Agatha.’  ‘For formality lang naman ang pagpunta mo dun Liberty. Bago ko pa ibigay sayo ang details ay nakausap ko na si Tita. It just happens na kailangan talaga niya ng isa pang masahista since nag-resign na ang isa sa mga employees niya.’  ‘Salamat parin Christian. Ang bait mo talaga sa akin. Baka ma-in love na ako sayo niyan. Hahahaha!’  ‘Bawal. Alam mo naman na loyal ako kay Caroline.’  ‘Joke lang naman! Dito ka na mag-tanghalian, pagluluto kita!’ pero agad rin akong na pabalik sa upuan. ‘Ay! May pasok ka pa nga pala!’  ‘Off ko ngayon kaya I will accept your offer!’  ‘Sige! Dito ka lang, punta lang ako saglit sa talipapa! Ano bang gusto mong ulam?’ ‘Ano ba ang kaya mong lutuin?’  ‘Aba! Huwag mo akong hamunin pagdating sa pagluluto Christian Grey! Expertise ko ang cooking!’  ‘Surprise me then.’ tinitigan ko muna siya bago ako nagpaalam para magpunta sa talipapa.  Habang nagluluto ako ng pinakbet saka nagpi-prito ng isda ay nagbabasa naman si Christian ng magazine. Sinusulyapan ko siya habang nagluluto ako. Talagang swerte ako sa taong ito. Swerte ako na nakilala ko siya at tinuring niya akong kaibigan. Mukhang pinadala siya ni Lord sa akin para gabayan ako. Laking pasasalamat ko sa Diyos dahil may isang Hugh Christian Altamerano na natisod sa buhay ko. At least ngayon ay may direksyon na ang bali-balikong daan sa buhay ko at kahit paano ay nagkaka-liwanag na sa madilim kong mundo.  --- ‘Wow grabe! Nabusog ako Liberty! Ang dami kong nakain! Hahahaha! Masarap ka nga magluto! I am deeply impressed!’  ‘Halos mataob natin ang sinaing ko Christian! Nabusog rin ako sobra! Hahahaha!’  ‘Thank you for the delicious lunch Liberty. Mukhang madadalas ako dito nito!’ ‘Ayos lang naman! Gusto mo araw-arawin mo pa eh!’  Pinagmasdan ko siya habang tumatawa. Masaya ako na makitang masaya si Liberty. I somehow feel relieved knowing that she is now on the right path. Kanina while we were eating ay nabanggit ko na bukas ay sasamahan ko naman siya para sa ALS niya habang hindi pa siya nagsisimula sa Serenity. Hindi na lang ako papasok bukas para masamahan siya at para na rin maasikaso ang mga dapat pang asikasuhin sa school niya. Nabanggit rin niya sa akin na bukas ay magpapaalam na siya sa club where she works. Isang balita na mas lalong nagpasaya sa akin although I have anticipated it already. Actually ay talagang pinursige ko na makapag-aral siya at magkaroon ng ibang work para maalis na siya sa club. Hindi niya deserve ang lugar na yun, she deserves more than that. Hindi niya deserve ang trabaho niya sa club, hindi tama ang binubuwis niya ang sarili niya at sinisira niya ang dignity niya para kumita lang ng pera. Liberty deserves a lot more dahil mabait siyang tao at malinis ang puso niya.  Right after kila Liberty ay diretso ako sa building ni Caroline. Maaga pa, halos three hours pa kaya naghintay muna ako sa parking lot where I usually wait sa harap ng building nila. She doesn’t know I will be fetching her, gusto ko siyang i-surprise and ask her out for dinner. I am happy lang kaya ilalabas ko siya tonight.  An hour had passed ay nakita ko siya na lumabas ng building kaya naghanda na ako to get out of my car. Pero ganun na lang ang gulat ko when I saw someone walk to her and gave her a kiss on her cheek. Napahinto ako at pinagmasdan sila. The man is taller than her but not taller than me, medyo skinny ito and wearing a rugged outfit. Nang papalayo na sila ay mabilis akong tumakbo para abutan sila.  ‘Caroline!’ napahinto ang dalawa and I can see that both got shock upon seeing me.  ‘Christian.’ agad na tumingin si Caroline sa lalaki. ‘ Siya nga pala Babe, siya si Victor. Kababata ko. Nagtext siya sakin kanina kasi, kakarating lang niya mula sa province. Ililibre ko sana ng snacks.’ mabilis na kumapit sa braso ko ang girlfriend ko. I stare at the man she called Victor.  ‘Victor pare.’ the man extended his hand na tinanggap ko rin kalaunan.  ‘Christian. Caroline’s boyfriend.’ ‘Nice meeting you Pare. Caroline may lakad yata kayo ng boyfriend mo, saka mo na lang ako ilibre. Matagal pa naman ako dito sa Maynila.’ tinitingnan ko ang reaction nilang dalawa.  ‘Sure ka Victor? Or if you want sama ka na sa amin ni Babe. You won’t mind naman siguro Babe right?’ She clung to my arm sweetly.  ‘Not at all. I’ll take you out for dinner sana, you can join us Victor. Ayos lang sakin.’ alanganin itong tumingin kay Caroline bago tumingin ulit sa akin.  ‘Saka na lang siguro Pare. Nakakahiya naman eh.’ sabay kamot sa batok nito. ‘Una na ako Caroline, next time na lang ulit. Sige Christian, enjoy kayo.’ ngumiti pa ito saka mabilis na naunang maglakad.  ‘You haven’t told me that you will be here to fetch me Babe. Nagulat naman ako. Akala ko hindi mo ako susunduin ngayon eh.’  ‘Matagal na kayong magkakilala ng Victor na yun?’  ‘Yes Babe. Kababata ko siya sa province. Lumuwas dito para maghanap ng work. Saan mo ako dadalhin for dinner pala?’ I stare at her first before leading her to where my car is parked. Pinagbuksan ko siya ng door saka inalalayan siyang umupo. Pagsara ko ng pinto ay huminga muna ako ng malalim bago naglakad.  ‘Saan mo ba gusto?’  ‘Sa steak house na lang Babe, dun sa huling kinainan natin.’  ‘Alright.’ I start the engine and drive off.  Gumugulo sa isip ko ang nakita kong tagpo kanina sa labas ng building ni Caroline while we are eating inside the restaurant. Nagtatalo ang isip ko pero nananig pa rin ang reasonable thinking sa akin. I don’t think my girlfriend is capable enough na lokohin ako. She love me dahil nakikita ko naman ito at pinaparamdam naman niya sa akin. She even invited that Victor guy to join us, so baka naman I am just messing my mind with nonsense thoughts. Baka naman wala naman talagang dapat na isipin between her and that Victor. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang nasa isip ko at nagpatuloy na lang sa pagkain.  ------,--’-,-{@ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD