Chapter 44 Akala siguro ni Christian ay tulog na ako, mas gusto ko lang sarilinin muna ang mga nangyari. I really just wanted to close my eyes for a moment and taste my triumphant victory. Never in my entire existence have I ever imagined that I would catch a huge fish such as Christian. Pangarap ko lang ito noon. Isang imposibleng pangarap ng isang pobreng probinsyana na ni sa panaginip ay hindi inakalang matutupad. Noon nung bata pa ako, mahilig akong mangarap ng gising. Madalas akong nakaupo sa labas ng kubo namin at tumanaw sa malayo, mangarap ng mga bagay-bagay na imposibleng makamtan ng isang kagaya ko. Salat kami noon sa maraming bagay kagaya ng karamihan sa mga kapitbahay namin. Hindi kami nakaranas ng magarbong handaan sa tuwing may mga okasyon, wala kaming mga magagarang mga d

