Chapter 76 Mabilis na lumipas ang mga araw. Ang ilang buwan na paghihintay ay matulin na nagdaan hanggang sa ilang linggo na lang ang bibilangin ay magaganap na ang pangarap kong mangyari sa buong buhay ko. Ikakasal na ako sa lalaking pinangarap ko noon na hindi ko akalain na ibibigay sa akin ng Diyos. Ilang linggo na lang ay ganap na akong may bahay ni Christian at sobrang excited talaga ako. Yung noon na inaasam ko lang ay abot kamay ko na ngayon. Sa sobrang excitement ko ay may mga gabi na hindi ako makatulog ng maayos at mga araw na na-nanaginip ako ng gising. Maging ang mga kapatid ko ay excited narin sa araw na pinakahihintay ko. Malayo pa nga ay sinadya na nila na mamili ng ireregalo sa amin ni Christian, ganun sila ka-excited. Nakahanda narin ang lahat para sa kasal namin maging

