Chapter 77 Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong isipin. Tuliro ang utak ko kasabay ng matinding bagabag at pag-aalala para sa kalagayan at kapakanan ni Franco. Hindi ko lubos maisip na may kaganapan na ganito sa araw pa mismo ng birthday ng anak ko. Labis akong nababalisa bilang ina dahil wala akong kaalam-alam kung nasaan ngayon si Franco. Kanina lang ay nakita ko pa siya, kanina lang ay nayakap ko pa siya at nahalikan tapos biglang ganito ang nangyari. Ang gulo-gulo ng utak ko ngayon. Ito na yata ang pinakamatinding takot na naramdaman ko sa tanang buhay ko. Hindi ko malaman kung saang sulok ng lugar na ito ko siya hahanapin, sila ni Pamela. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak habang pilit na pinapagana ang isip ko. “Franco… Nasaan ka na a

