Chapter 56 Nasa trabaho ako ng araw na ito ng nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko. Noong una ay akala ko ay nangangawit lang ako sa pagkakaupo ko pero habang tumatagal ay nagsimula na akong makaramdam ng sakit sa ilalim na bahagi ng aking tiyan. Pinanlalamigan na ako ng pawis at medyo hinahabol ko na ang aking paghinga. Nagkataon pa na solo lang ako sa loob ng opisina ni Francis at lumabas ito saglit at sakto rin na nagsisimula na akong mag-panic. Patindi ng patindi ang sakit na nararamdaman ko at sa tingin ko ay manganganak na yata ako ngayon. “Francis!” sigaw ko ng hindi ko na makayanan ang tindi ng sakit. Ang tigas-tigas ng tiyan ko at hindi na ako mapakali sa upuan ko. “Lalabas ka na ba, baby? Sandali lang baby. Wala pa ang Tito Francis mo.” muling umatake ang matinding sakit m

