Chapter 57 Pinangalanan ko ang baby ko ng Christian Franco. Kagaya ng sinabi ko na ay gusto kong kahit sa pangalan man lang ay may makuha ang anak ko sa ama niya. Ang second name naman ni baby ay bilang pasasalamat ko sa taong hindi ako pinabayaan at iniwan sa mga oras na kailangan ko ng tulong. Wala man kaming relasyon ni Francis ay hindi ito naging hadlang upang gawin niya ang mga ginawa niyang tulong sa akin ng walang hinihinging anumang kapalit. Buong buhay ko itong tatanawin sa kanya, buong buhay akong may utang na loob ko kay Francis dahil hindi ko makakayanan ang lahat ng ito kung hindi dahil sa kanya. Sinagot lahat ni Francis ang mga gastusin ko sa panganganak maging ang pananatili ko ng isang linggo sa loob ng ospital. Wala akong marinig man lang na reklamo sa kanya, ni katiting

