Chapter 80 Paggising ko pa lang kaninang umaga ay kaba na agad ang naramdaman ko. Ngayon kasi ang araw kung saan ay kikitain namin ang mga kidnappers ni Franco sa isang amusement park sa Laguna. Habang nasa sasakyan kami ay patuloy akong hindi mapakali dahil hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari kahit pa kasama namin ang mga pulis at kahit pa binigyan ako ng assurance ni Christian na magiging maayos ang lahat. Pagpasok namin sa loob ng amusement park ay lalong lumakas ang kabog ng puso ko. Patuloy akong nananalangin sa isip ko na sana ay makuha namin ang anak namin ng walang dahas na nangyayari, na maging ligtas siya at mauwi na namin siya. Sa sobrang kaba ko ay naiihi ako kaya nagsabi ako kay Christian. Nagpunta ako sa CR pero dahil sa maraming tao ngayong araw ay mahaba-haba ang p

