Chapter 46 Pagkatapos ng kasal ni Christian kay Caroline ay madalang pa sa patak ng ulan sa disyerto kung magparamdam siya sa akin, hindi na siya napa-pasyal sa bahay at madalang narin akong makatanggap ng text mula sa kanya. Inisip ko na lang na sadyang nag-iiba ang priorities ng mga taong ikinasal na. Syempre mas tutok na sila sa mga asawa nila at sa trabaho. Tinanggap ko na ang alok na trabaho ni Francis na maging secretary niya dahil nahihirapan narin ako magmasahe at bumibigat na ang tiyan ko saka halata narin ito. Nagsimula ako last week lang makalipas ang halos isang buwan mula ng alukin niya ako. Dahil sa medyo may kalayuan rin ang bago kong pinapasukan ay nagdesisyon kami ni Liezel na lumipat na ng tirahan, nilisan na namin ang bahay namin sa squatters area at umupa ng mas malaki

