MIYO'S POV
Everything was in chaos.
Nabalot ng malaking apoy ang buong east wing ng Silverwest Academy dahil sa isang hindi inaasahan na pagsabog. The students were panicking and screaming everywhere and the teachers were doing all that they can to put out the huge fire.
It was a complete mess.
Hindi ako makakilos mula sa puwesto ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon. Nanatili lang akong nakatingin sa malaking apoy na nasa aking harapan. Napakalaki nito at nagsisimula na itong kumalat sa ibang mga gusali.
Hindi na namin naabutan ang taong gumawa ng sunog dahil nagkagulo na ang lahat pagdating namin dito sa east wing. Masyadong mabilis ang lahat ng mga nangyayari at nawalan na kami ng oras para alamin ang totoo mula sa mga estudyante at guro na nakakita ng pagsabog.
Mula sa gilid ng aking mga mata, nakita ko na may ilang mga estudyante mula sa Maydoom at Verwick na tumutulong sa pagpatay ng apoy but their help was not enough to get rid of the commotion and the fire.
Naguguluhan na ako ng husto. Akala ko ba tapos na ang kaguluhan? Binalik na namin ang bato ni Gaea ngunit bakit nagkaganito ang lahat?
Hindi ako makahanap ng tamang sagot sa mga tanong ko dahil punong-puno na ang isip ko. The murmurs and screams around me were getting louder and louder and it was starting to be a pain in the head.
"What the…"
"My goodness…"
"What happened here?"
"I have a bad feeling about this."
"Grabe naman ang gumawa nito."
"Heavens, what a huge fire!"
Nagsigawan ulit ang mga estudyante nang may bumagsak na gusali. Umatras ako habang nakatingin pa rin sa malaking apoy. Sobrang laki nito at nakita ko kung paano ito sumibol sa bawat oras na dumaan.
Bigla akong nakaramdam ng hapdi sa aking mga palad at unti-unti itong uminit hanggang sa naramdaman ko nalang na napapaso na ako.
Nahulog sa matinding katahimikan ang buong paligid at mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang mga kaibigan ko na nakatingin sa'kin. May ibang mga estudyante rin ang nakatingin ngayon sa'kin kaya tumingin rin ako sakanila nang may pagtataka. My eyebrows furrowed in confusion when I saw that there was fear and fury in everyone's eyes. Why are they staring at me? What have I done?
"B-Bakit?" tanong ko ngunit walang sumagot mula sakanila.
Bumugso ang malakas na hangin kaya lumingon ako kay Daryl na ngayon ay nakatingin ng masama sa'kin. Why is Daryl glaring at me? Anong meron sa'kin? Wala naman akong ginawang mali.
Daryl's glaring eyes looked at my hands and I saw how his face darkened. Hindi ko alam ngunit kinabahan ako sa kaniyang tingin. Lumakas ang pagtibok ng puso ko at nanginig ako ng husto nang nagsalita siya.
"Fire," malamig na sabi ni Daryl at nabigla ako dahil sa sinabi niya. A-Apoy?
"M-Miyo..." I saw that Rain was now shivering in fear.
Dahan-dahang napunta ang mga mata ko sa aking mga kamay na ngayon ay nag-aapoy at napasinghap ako. B-Bakit may apoy? Bakit may apoy ang mga kamay ko?!
Pilit kong inalis ang mga apoy mula sa aking mga kamay ngunit ayaw talaga nitong mawala at doon ako nabalot ng takot.
"G-Guys, nagkakamali kayo! I-It wasn't me—"
"Miyo—"
"It was not me! Please, maniwala kayo sa'kin!"
"MIYO!"
Nagising ako matapos akong makaramdam ng matinding sakit mula sa aking pisngi. Mabilis akong bumangon at hinabol ang aking hininga. Pinagpawisan ako ng husto at mabilis ang t***k ng aking puso. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko na nasa loob ako ng aking kwarto. Nakasuot pa ako ng pantulog at magulong-magulo ang kama na hinihigaan ko. H-Huh?
"Oh diba, see? Gising na si Miyo. I told you my slap can wake her up."
Lumingon ako sa gilid ng aking kama at nakita ko sina Rain at Naeri na nakatayo roon habang nag-uusap. Parehas silang nakasuot ng pantulog at halatang kakagising lang din nila. Ano'ng ginagawa nila rito sa kwarto ko?
Hinawakan ko ang ulo ko nang nakaramdam ako ng sakit mula rito. Tch, ano ba ang nangyari? Ang sakit ng ulo ko...
Mula sa gilid ng aking mga mata, nakita ko sina Naeri at Rain na naglalakad papalapit sa'kin. Nakita kong umupo si Rain sa may paanan ng aking kama habang si Naeri naman ay nanatili lang na nakatayo sa tabi ni Rain.
"How's your sleep, Miyo? Sorry kung medyo napalakas ang sampal ko." Rain laughed awkwardly habang kinakamot ang batok niya.
"We had to force you to wake up kasi binabangungot ka na naman," nag-aalalang sabi ni Naeri sa'kin.
Bangungot? Binabangungot na naman ako?
I sighed deeply and ran my hands through my hair. Of course, bangungot lang ang lahat ng mga nakita ko kanina. Malayong-malayo iyon sa mga totoong nangyari. Imposible na mangyari ang lahat ng nasa panaginip ko. Hindi ko magagawa iyon. Tch, damn it. Ang sakit talaga ng ulo ko.
"Anong oras na ba?" I asked them habang hinihimas ang ulo ko.
"It's four o'clock in the f*****g morning, Sleeping Beauty," sabi ng isang malamig na boses and I immediately felt the chills after I heard the voice.
I turned to Hiro who is sitting on my bean bag and he is glaring at me like I was some criminal who just robbed a precious jewel from him.
I gulped. "F-Four?" I squeaked.
Shit, did I disturbed Hiro's sleep? Well, base on his face ay alam ko na naistorbo ko talaga ang tulog niya and I'm doomed now.
"Tch." Hiro looked away, still glaring and muttering profanities under his breath.
"Miyo," mahinang tawag ni Naeri sa'kin kaya lumingon ako sakanya.
"Did you had nightmares about the east wing again?" tanong niya at tumango ako.
"Yeah. Paulit-ulit nalang," sabi ko sakaniya.
"It's been a week since the east wing got burned down. You should forget about the east wing, Miyo, para hindi ka na dalawin ng mga bangungot mo," nag-aalalang sabi ni Rain sa'kin. Forget? Hindi ko alam kung makakalimutan ko ba ang pangyayaring iyon ng ganoon kadali.
It's been a week since the east wing got burned down and ever since that incident ay nagkaroon ako ng mga bangungot tungkol sa pangyayari na iyon. Hindi ko alam ngunit sa tuwing naaalala ko ang malaking apoy na nakita ko sa east wing ay bigla nalang akong nawawalan ng kontrol sa aking sarili tapos nakakaramdam ako ng matinding sakit mula sa aking ulo at may kung anong mainit dito sa loob ng aking dibdib ang gusto lumabas.
"Tara na sa baba, Rain. Magluluto pa tayo ng agahan," I heard Naeri say.
"Okay. Hoy! Sumunod kayong dalawa ha," pahabol ni Rain at lumabas na silang dalawa ni Naeri.
Narinig kong bumuntong hinga si Hiro at tumayo siya mula sa pagkakaupo saka naglakad palabas ng kwarto. Mula rito sa puwesto ko ay nararamdaman ko pa rin ang awra ni Hiro at hanggang ngayon ay bad mood pa rin siya. Huminto si Hiro sa may pinto at lumingon siya sa'kin.
"I think you should fix your bed or maybe replace it with a new one."—Hiro placed his hands on the pockets of his pants—"Your nightmares are making you burn your bed to ashes," walang emosyon na sabi ni Hiro sa'kin at umalis na siya.
Kaagad kong inalis ang aking kumot at doon ko nakita na nasunog ang parte kung saan nakapuwesto ang mga kamay ko. The burn mark was still smoking and a little fire was still there. I used my ice magic to get rid of the fire at umalis ako mula sa kama nang nawala na ito.
Ganito nalang palagi. Sa tuwing binabangungot ako ng malaking apoy na nakita ko sa east wing, mawawalan ako ng kontrol sa aking apoy at hindi ko na namamalayan na sinusunog ko na pala ang kama ko. Damn it, ano ba ang nangyayari sa'kin? Nag-training naman ako pero bakit ganito pa rin ang kapangyarihan ko? Bakit hindi ko pa rin ma-kontrol ang apoy ko?
Inis akong nagtungo sa banyo at naghilamos. Matapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina kung saan naabutan ko sina Naeri at Rain na nagluluto habang si Hiro naman ay hinahanda ang lamesa. Hindi ko sila pinansin at dumiretso nalang ako sa fridge at kinuha ko ang karton ng gatas. Pagkatapos kong uminom ay sakto rin ang pagbaba ng iba.
"Good morning guys!" masayang bati ni Jade sa aming lahat.
"Morning Jade." I smiled as I greeted her back.
"Wow! Ang bango naman ng niluluto mo Naeri. Ano yan?" usisa ni Uriel habang nakatingin kay Naeri na nagluluto.
"Nilagang palaka." Ngumiti ng matamis si Naeri kay Uriel at pinakita niya ang kaniyang niluluto kay Uriel.
Nawalan ng kulay ang mukha ni Uriel. "A-Ang sarap naman niyan," nauutal na sabi ni Uriel habang lumalayo ng konti mula kay Naeri.
"Nagbibiro lang si Naeri, Uriel. Ano ka ba," tumatawang sabi ni Rain at hinampas niya si Uriel sa balikat. Nakahinga naman ng maluwag si Uriel dahil doon.
"Kamusta Miyo? Binabangungot ka pa rin ba?" tanong ni Kris sa'kin.
Tumango ako. "Yeah and I almost burned my whole bed."
"I think you really need to train more. The fire magic is a really strong element at mahirap itong kontrolin. Work on your emotions too for our emotions are the triggers of our magic, you know that," paliwanag ni Kris sa'kin.
"Yeah. I'll keep it in mind," sabi ko sakaniya.
Kumain na kaming lahat at pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami para pumasok. After I got dressed, lumabas na ako ng kwarto ko at naabutan ko si Hiro na papalabas na ng silid namin. Kinuha ko ang aking bag na nasa couch at sumabay na sakaniya.
"Sorry If I woke you up again," sabi ko kay Hiro.
I heard him sighed kaya umiwas ako ng tingin. "Ayos lang, basta ililibre mo pa rin ako ng lunch."
Sumama ang timpla ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Sabi kasi ni Hiro sa'kin na para raw makabawi ako sakaniya ay ililibre ko raw siya ng lunch. Bumuntong hinga nalang ako at tumango. No choice ako kahit inaabuso na niya yata ang pera ko.
"Fine. The usual pa rin ba?" tanong ko sakaniya habang pababa kami ng hagdan.
"Yep, the usual but this time dapat may dessert na," nakangising sabi ni Hiro sa'kin.
"Inaabuso mo na ang pera ko," inis kong sabi sakaniya.
"Sus, ano'ng gamit ng rose gold card mo kung hindi mo gagamitin ang mga yaman na nasa loob no'n?" Hiro smirked at me. Wow, unbelievable.
"Hoy, kayong dalawa! Tama na ang usapan dahil malelate na tayo!" rinig kong sigaw ni Uriel mula sa baba.
"Coming!" sagot namin ni Hiro at binilisan na namin ang pagbaba ng hagdan.
Lumabas na kaming lahat ng dorm at ni-lock na ni Jared ang pinto. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa Silverwest at habang naglalakad ako ay napunta ang atensyon ko sa east wing ng academy. Kita ko mula rito sa kinatatayuan ko ang laki ng pinsala na dulot ng malaking sunog. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nasunog ang east wing dahil sa isang aksidente.
Ang sinabi kasi ni Principal MJ na dahilan kung bakit nasunog ang east wing ay dahil sa isang potion na sumabog.
There was a new made potion that was preserved inside the east wing's potion lab at sumabog daw ito matapos matamaan ng matinding sikat ng araw. Sabi ni Principal MJ ay aksidente raw ang nangyari kaya hindi na raw kami dapat na mabahala.
Pumasok na kami ng main building at agad akong umiwas ng tingin dahil sa mga mata ng ibang estudyante sa amin. Hay, here we go again.
"Ayan na ang mga mahihina."
"Seriously, bakit pumasok pa sila? Wala naman silang silbi rito."
"Mga salot sa academy."
I clenched my fists. Lagi nalang nila kaming ginaganito kahit hindi nila alam ang totoo.
"Miyo, kumalma ka. Umuusok ang mga kamay mo," bulong ni Alia mula sa likod ko at kaagad akong napatingin sa aking mga kamay.
Tama nga si Alia. Umuusok nga ang mga kamay ko at may namumuong mga maliliit na apoy sa aking mga daliri. Kinuyom ko nalang ang aking kamay at pinikit ang mga mata ko.
Kailangan kong kumalma. My emotions are the triggers of my magic. Calm down, Miyo. Calm down and think of happy thoughts.
Maya-maya ay naramdaman ko na unti-unti ng nawawala ang apoy na nasa kamay ko kaya nakahinga ako ng maluwag.
Nakarating na kami sa classroom at dumiretso kaagad ako sa aking upuan. Tumingin ako sa relo na nakadikit sa pader ng classroom and I saw that it was almost eight which means malapit ng dumating si Prof Zen.
"Guys, wala tayong assignment diba?" tanong ni Uriel sa aming lahat nang nakaupo na siya sa tabi ko. Seatmates kasi kaming dalawa, unfortunately.
"Meron," sagot ni Van at nagulat si Uriel.
"Putek! You guys betrayed me! Bakit hindi niyo sinabi sa'kin?!" bulyaw ni Uriel sa aming lahat.
"Yan kasi, sige at mag-abang ka pa ng mga chiks sa labas ng dorm natin," nakangising sabi ni Sean kay Uriel.
"Ano ba yan! Akin na ang mga sagot mo. Pakopya dali!" Inilahad ni Uriel ang kaniyang mga kamay kay Sean.
"Kopya? Anong kopya?! Hoy, hindi libre itong assignment ko!" Inilayo ni Sean ang kaniyang papel mula kay Uriel. Hay, kawawa naman itong si Uriel.
Kinuha ko ang notebook ko mula sa bag at kinalabit ko si Uriel at napalingon siya sa'kin. Inilahad ko ang aking kwaderno kay Uriel at napakurap siya ng paulit-ulit dahil sa gulat. Maya-maya ay nagliwanag ang buong mukha ni Uriel at kinuha niya mula sa'kin ang aking kwaderno.
"Miyo, the best ka talaga!" iyak ni Uriel at niyakap niya ako at pinaikot ko ang aking mga mata.
"Huwag mong kopyahin lahat, gaga! May questions naman diyan kaya magsagot ka rin ng sa'yo," sabi ko sakaniya.
"Sabi ko nga gagawa ako ng sarili kong sagot." Napakamot sa kaniyang batok si Uriel at nagsimula na siyang gumawa ng kaniyang assignment.
"Nasa iisang dorm lang tayo pero may hindi parin nakagawa ng kaniyang assignment. Tch! such an idiot, " sabi ni Daryl habang nakatingin kay Uriel.
"Chiks pa more," asar ni Hunter at tinapunan siya ni Uriel ng isang nakamamatay na tingin.
"Pasalamat ka dahil pinakopya ka ni Miyo kahit mali ang mga sagot niya," singit ni Alia bago humagalpak ng tawa.
"Ano?!"—huminto sa pagsusulat si Uriel at tumingin siya sa'kin—"Mali ang lahat ng mga sagot mo?!"
Naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko dahil sa hiya.
"Hindi naman sa mali ang mga sagot ko. Hindi lang talaga ako sigurado kung tama ba ang mga sinagot ko sa mga binigay na tanong," sabi ko kay Uriel.
"Ah." Tumango si Uriel at bumalik na siya sa pagsasagot.
Nagulat kaming lahat nang biglang bumukas ang pinto ng aming silid. Sa sobrang lakas ng tunog ay muntik ng maitapon ni Uriel ang kwaderno ko dahil sa gulat. Muntik na akong mawalan ng assignment dahil kay Uriel. Uriel naman!
"Good morning ma'am!" bati namin kay Prof Zen na ngayon ay nasa harapan na naming lahat.
"Magandang umaga rin sainyong lahat. Maupo na kayo," sabi ni Prof Zen at umupo kaming lahat.
"Pssst! Miyo!" Lumingon ako kay Uriel nang tinawag niya ako.
"Bakit?" tanong ko.
Binalik ni Uriel sa'kin ang notebook ko at ngumiti siya ng parang isang aso. "Salamat ha. Directions at number one lang ang nakopya ko kasi dumating na si ma'am," sabi niya bago tumawa ng mahina.
Kumibot ang mukha ko. Pinahiram ko na nga ang notebook ko sakaniya tapos hanggang number one lang ang nakopya niya? Gaano ba siya kabagal magsulat? Nakaka-stress rin itong si Uriel ha.
Nagsimula ng magtalakay si Prof Zen at nakinig na kaming lahat. Ang tinatalakay ngayon ni Prof Zen sa amin ay tungkol sa mga explosive potions. Explosive potions are like grenades back at my old world which is Dewshed. Sasabog ang mga explosive potions kapag tatanggalin ang mga takip nito at ihahagis ito sa ere.
"Be careful though, hindi lahat ng explosive potions ay ligtas na hawakan. May ibang explosive potions na may mga kakaibang sangkap at nangangailangan ito ng wastong pag-iingat at disiplina upang hindi ito sumabog kaagad," paliwanag ni Prof Zen.
"In short, ang mga explosive potions na madaling sumabog ay ang mga sensitive explosive potions," dagdag ni Prof Zen.
Sinulat ni Prof Zen ang mga explosive potions na tinalakay niya at nagsulat rin ako sa aking notebook. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko si Carter na tumayo mula sa upuan niya. Tumigil ako sa pagsusulat at tumingin ako sa gawi ni Carter.
"Yes, Sunfury?" tanong ni Prof Zen kay Carter.
"Prof, ang example po ba ng explosive potion na sinasabi niyo ay iyong kagaya ng potion na sumabog sa east wing at nagdulot ng malaking sunog?" tanong ni Carter kay Prof Zen.
Malaking sunog sa east wing...Malaking sunog sa east wing...
"A-Ah..." mahina akong dumaing nang biglang sumakit ang ulo ko.
Aish, ito na naman ulit. Sumasakit na naman ang ulo ko. Pinikit ko ang mga mata ko at mahigpit kong hinawakan ang aking ulo. A-Ang sakit...
"Oo, iyon nga. Isang explosive potion nga ang nagsimula ng sunog sa east wing," rinig kong sabi ni Prof Zen.
Malaking sunog sa east wing...malaking sunog...
Biglang nagpakita sa isipan ko ang malaking apoy na nakita ko noong araw na nasunog ang east wing. Naramdaman ko ang pag-iinit na aking dibdib at nagsimula ng pagpawisan ang aking mga kamay. Hindi ko na masyadong naririnig ang mga boses ng mga kasama ko at ang boses ni Prof Zen. Ang nariring ko at ang nakikita ko ngayon ay isang malaking apoy lamang. Nasa harapan ko ito at unti-unti itong lumalaki sa bawat oras na dumadaan.
Hindi ako makagalaw at nanigas ako na parang isang estatwa rito sa aking puwesto. Sinubukan kong magsalita ngunit walang boses na lumalabas mula sa bibig ko. Papalapit na sa akin ang malaking apoy at nagsimula na akong kabahan. Bumilis ang t***k ng puso ko at nangangatog na ang aking mga binti.
Apoy...apoy...apoy...
"Miyo!"
"Miyo Fukuyama!"
Isang napakalaking apoy ang papalapit ngayon sa akin...
"Miyo! s**t!
"Miyo! Gumising ka!"
Papalapit na sa akin...abot kamay ko na...
"Guys tawagin niyo si Principal MJ bilis! She knows what to do in times like this!"
"Miyo! Miyo!"
"Miyo! hey!"
"Oy Fukuyama! Wake the f**k up!"
Sino ba ang mga tumatawag sa'kin? Kaninong mga boses ba iyon? May mga tao ba sa likod ng apoy na nasa aking harapan ngayon? Puntahan ko kaya ang kabilang bahagi ng apoy upang makita ko kung sino ang mga tumatawag sa'kin? Tama, pupunta ako sa kabila...
"f*****g s**t—nasusunog na ang desk niya! Ilayo niyo si Miyo mula sa desk niya, dali!"
Naglakad ako papunta sa malaking apoy at nakita ko kung paano mabilis na binalot ng malaking apoy ang buong katawan ko. Ang init...sobrang init...
"s**t! Hindi maganda 'to!"
"Guys she's burning! Miyo's body is smoking and burning!"
Ang init ng apoy na bumabalot sa akin. Sinubukan kong lumabas mula sa apoy ngunit hindi na ako makakalabas. Nahihirapan na akong huminga dahil nawawalan na ako ng hangin at pinipigilan ng apoy ang paghinga ko. Sumigaw ako nang sumigaw dahil kinakain na ng apoy ang balat ko ngunit walang boses ang lumalabas mula sa'kin. Sumasakit na ang dibdib ko dahil sa kawalan ng hangin at pakiramdam ko ay mabibiyak na ang ulo ko dahil sa sakit.
Tulong...tulong niyo ako...
THIRD PERSON'S POV
"AAAAAH!" sigaw ni Miyo habang nagwawala sa kaniyang upuan. Yakap ng dalaga ang kaniyang sarili at umiiyak ito habang namimilipit sa sakit.
"Waaaaah! Ang creepy!" iyak ni Galia at nagtago siya sa likod ni Uriel na ngayon ay nag-aalalang nakatingin kay Miyo.
"Ano ba ang nangyayari kay Miyo? Bakit nagiging kulay itim ang mga mata niya?" natatakot na tanong ni Rain habang nakatinging kay Miyo.
"May kutob ako na hindi na naman napigilan ni Miyo ang kapangyarihan ng apoy," sabi ni Clyde.
"Miyo's eyes turning to pitch black doesn't mean that she had lost control of her fire. Her eyes turned black because of something else and I don't f*****g know what that is," seryosong sabi ni Daryl.
"Gaano ba kalakas ang kapangyarihan ng apoy? Natatakot na ako sa kung ano ang posibleng mangyari kay Miyo," kinakabahan na sabi ni Jade.
"Each day, Miyo is getting burns but compared to those old burns, these burns on her skin right now are hella nasty." Sean cringed in fear and disgust habang nakatingin sa mga bagong paso na nasa balat ni Miyo.
"I agree, Sean. These new burns that Miyo got right now are really nasty and very hard to heal," nahihirapan na sabi ni Mary habang ginagamot ang mga paso ni Miyo.
"Miyo is a fire user but she still got burned by her fire. That explains how powerful her fire is. Miyo's fire magic is beyond her control," walang emosyon na sabi ni Daryl sa mga kasama niya.
"Nasaan na ba sila? Bakit ang tagal ni Principal MJ?!" naiinis na sabi ni Kris habang tinutulungan si Mary na gamutin ang mga paso na nasa balat ni Miyo by applying bandages and ointment on Miyo's body.
"AAAAAH!" muling sigaw ni Miyo and this time ay nag-aapoy na ang kaniyang mga kamay.
"s**t naman!" natatarantang sigaw ni Cally.
"Cally, huminahon ka!" sabi ni Van sa dalaga at inalog niya ito upang pakalmahin.
"Mary, lumayo ka!" sigaw ni Celeste nang muntik ng masunog ang mga kamay ni Mary dahil sa apoy ni Miyo.
"Tumabi kayo, ngayon din!"
"Principal MJ!" gulat na sabi ng lahat nang nakita nila si MJ na pumasok ng silid.
Nakasunod kay MJ sina Jared at Hiro na habol ang kanilang mga hininga. Tumabi kaagad sina Mary at Kris nang lumapit si MJ sa nag-uusok nakatawan ni Miyo.
"Bigla nalang ba siyang nagkakaganito?" seryosong tanong ni MJ kay Mary at tumango ang dalaga.
"Nasa kalagitnaan po kami ng aming klase kay Prof Zen nang biglang nagwala si Miyo at nagpalabas ng mga usok at apoy ang katawan niya," paliwanag naman ni Kris.
"Ganoon ba?" Huminga ng malalim si MJ bago niya matalim na tiningnan ang katawan ni Miyo.
"Umatras kayong lahat!" biglang sigaw ni MJ at kinumpas niya ang kaniyang mga kamay.
"This is my second time seeing the principal use her magic," bulong ni Carter kay Sean.
"Ako rin," sabi ni Sean.
"The first time I saw Principal MJ use her magic was back when we were in second year, noong mga Halvers pa tayo," sabi naman ni Nilus.
"Why? What happened during your second year here in Silverwest?" tanong ni Jade kina Sean.
Naglakad palapit si Sean kay Jade at may binulong siya sa tenga ng dalaga na naging dahilan upang magulat si Jade ng husto.
"Nangyari talaga iyon?" hindi makapaniwalang bulong ni Jade kay Sean.
Tumango si Sean. "Totoo iyon kaya Jade, mangako ka na wala kang pagsasabihan sa mga nalaman mo. Matagal na itong kinalimutan ng iba kaya huwag kang magsalita tungkol sa sinabi ko sa'yo dahil kapag may naalala nila tungkol dito ay mabubuksan na naman ang mga sugat na matagal ng naghilom," seryosong sabi ni Sean.
"P-Pangako. Wala akong pagsasabihan," bulong ni Jade.
"Lier ton corps!" bigkas ni MJ at lumabas mula sa mga palad niya ang isang nakakasilaw na ilaw.
Sumigaw ulit si Miyo dahil sa sakit at lumakas ang apoy na nasa mga kamay niya. Mas nilakasan pa ni MJ ang kaniyang kapangyarihan at binalot na ng puting ilaw ang buong katawan ni Miyo.
Unti-unting nawala ang mga boses ni Miyo ngunit hindi parin siya tumigil sa pagsigaw.
"Principal MJ, what are you doing?" nagtatakang tanong ni Jared kay MJ.
"I am binding Miyo's magic and placing her inside a magic cocoon in the process. Kailangan ko itong gawin kay Miyo upang hindi magwala ang kaniyang mahika at makapinsala sa iba," paliwanag ni MJ at pinitik niya ang kaniyang daliri.
MJ's magic cocoon floated in the air. Sumisigaw pa rin si Miyo sa loob at nagwawala parin siya hanggang ngayon kasama ang kaniyang apoy ngunit wala na ang boses niya. Wala ng naririnig na boses mula kay Miyo ang buong Section Naryena at nahulog sa katahimikan ang kanilang silid.
"Kailangan ko munang ikulong si Miyo rito hanggang sa kumalma siya. Masyadong delikado ang kaniyang apoy. Ayokong may masaktan sa inyo at ganoon na rin sa iba pang mga estudyante rito," seryosong sabi ni MJ at sa isang iglap ay naglaho siya sa harapan ng buong Section Naryena.
Napaupo sa sahig si Mary dahil sa matinding pagod at kaagad naman siyang nilapitan nina Celeste at Alia.
"Ayos ka lang ba, Mary?" nag-aalalang tanong ni Celeste sa dalaga.
"Gusto mo ba na dalhin ka namin sa infirmary?" tanong ni Alia.
Umiling si Mary sakanila. "Ayos lang ako. Nag-aalala lang ako kay Miyo," sabi ni Mary.
"Damn, that was just so terrifying," komento ni Hunter habang seryosong nakatingin sa upuan ni Miyo na ngayon ay sunog na.
"First, she burns her bed and now this." Tinuro ni Hiro ang upuan at desk ni Miyo.
"Seriously, ano ba ang nangyayari sakaniya?" naguguluhan na tanong ni Hiro habang nakatingin sa mga kaibigan niya.
"Hiro, huwag kami ang tanungin mo. Ikaw ang roommate ni Miyo at ikaw lang ang makakasagot sa mga tanong mo," walang emosyon na sabi ni Jared kay Hiro.
"Paano ko masasagot ang mga tanong ko? Miyo and I barely talk these days at hindi na rin siya masyadong lumalabas sa kwarto niya, alam niyo iyan. Lalabas lang si Miyo kung kakain siya o kung may kailangan siya mula sa labas," paliwanag ni Hiro.
"Tama si Hiro. Napansin ko rin na madalang nalang lumabas si Miyo mula sa kwarto niya simula noong..." Huminto si Rain nang may naalala siya.
"Madalang nalang lumabas si Miyo mula sa kwarto niya simula noong?" tanong ni Daryl nang nakataas ang isang kilay.
"S-Simula noong nangyari ang malaking sunog sa east wing ay madalang nalang lumabas ng kaniyang kwarto si Miyo," pagtatapos ni Rain sa sinabi niya.
"This is so f*****g sick." Ginulo ni Uriel ang buhok niya.
"Miyo, ano ba ang nangyayari sa'yo?" Naeri muttered as she stared into space.