NAERI'S POV
Sinarado ko na ang pinto ng aking kwarto at naglakad na paalis. Kasabay ko sa paglalakad si Rain na hanggang ngayon ay hindi parin nagsasalita simula nang nasaksihan namin ang pagwawala ng mahika ni Miyo kaninang umaga. Bumaba na kaming dalawa ng hagdan at napansin ko ang mga mabibigat na hakbang ni Rain. Bumuntong hinga ako at mahina kong tinapik ang likod niya.
"Ano sa tingin mo Naeri, magiging maayos lang kaya si Miyo?" May bahid ng pagkalungkot ang boses ni Rain.
"Binabantayan ngayon ng isa sa mga malakas na witch ng Shorewald si Miyo, Rain. Hindi siya pababayaan ni Principal MJ kaya magiging maayos lang si Miyo," mahinang sabi ko at binigyan ko siya ng maliit na ngiti.
"Tama si Naeri, Rain."
Parehas kaming lumingon ni Rain sa likod namin at doon namin nakita si Hiro na naglalakad papunta rito sa hagdan. Halatang kakagising lang niya mula sa kaniyang tulog dahil magulo pa ang kaniyang buhok at medyo mapula pa ang kaniyang mga mata. Mukhang napagod si Hiro sa training namin kanina.
Well, everyone's getting all worked up matapos magwala ni Miyo. None of us wants to experience the hell that Miyo had experienced and right now, we are doing our best to train and control our magic.
Nakababa na kaming tatlo at dumiretso kami sa kusina. Naabutan namin sina Kris at Mary na abala sa pagluluto habang sina Hunter at Daryl naman ay nag-aayos ng lamesa.
"Nandiyan na pala kayo," bati ni Mary sa aming tatlo nang nakita niya kami.
"Is there something we can help here with?" tanong ni Hiro at umiling si Mary.
"Everything's all set and done. Pakitawag nalang ng iba dahil kakain na," nakangiting sabi ni Mary kay Hiro.
"Okay." Umalis na si Hiro.
"Bakit ang lungkot mo, Rain? May problema ba?" Nilapitan ni Hunter si Rain at umupo siya sa tabi niya.
I took the opposite seat in front of Rain at hinarap ko siya. Kung ano ang ekspresyon ng mukha ni Rain kanina ay ganoon parin ngayon, walang nagbago.
"Wala, nag-aalala lang ako." Bumuntong hinga si Rain.
"Huwag kang mag-isip ng masyado. Magiging maayos si Miyo, okay?" sabi ni Hunter kay Rain.
Tumabi naman si Daryl sa'kin at tumingin rin siya kay Rain.
"Hindi matutuwa si Miyo kapag nalaman niya na nag-aalala ka sakaniya. You know Miyo doesn't like it when we get too worried of her"—sumandal si Daryl sa upuan niya—"tsaka wag kang mag-alala ng masyado dahil baka babagyuhin tayo rito dahil sa mga emosyon at mahika mo."
"Tama si Daryl. The last time your emotions took over you ay umulan ng isang linggo rito sa Shorewald," sabi ko kay Rain at dahan-dahan na umiling. Naaalala ko na iyon yata ang pinakahabang ulan para sa'kin.
"H-Huwag niyo nga ipaalala sa'kin ang pangyayari na iyon," nahihiyang sabi ni Rain at tinakpan niya ang kaniyang mukha dahil sa hiya.
Nakarinig ako ng mga yapak mula sa malayo kaya alam ko kaagad na paparating na rito ang mga kaibigan namin at maya-maya ay pumasok na sila ng kusina.
"Wow daebak! Ang bango naman!" Nagliwanag ang mukha ni Neon dahil sa naamoy niya.
Natawa ako ng mahina dahil nakita ko kung paano lumaki ang butas ng ilong ni Neon. Pffft…
"Kakain na! Kakain na!" kanta ni Galia at umupo siya sa kanan ko. Nasa kaliwa ko kasi nakaupo si Daryl.
"Pssst! Guys, tahimik. Tahimik! Shatap!" sita ni Uriel habang tinuturo kaming lahat gamit ang kutsara niya at nakapatong siya ngayon sa kaniyang upuan.
"Uriel get down this instant!" Jared glared at Uriel kaya mabilis na bumaba si Uriel mula sa kaniyang upuan at umupo na ng maayos.
"Nandito na ba ang lahat?" tanong ni Mary as she sat down on her chair beside Jared.
"Yeah, except for Miyo," Jade spoke out and she immediately covered her mouth when she realized what she had just said.
Kinagat ko ang labi ko nang nahulog sa nakakabinging katahimikan ang buong lamesa. Nakita kong napalunok si Jade at mukhang natataranta na siya kung ano ang gagawin niya. Bumuntong hinga nalang ako at ngumiti ng pilit sakanilang lahat.
"Kain na tayo guys?" Tumingin silang lahat dito sa gawi ko.
"Yeah, kain na tayo," sabi ni Jared at nagsimula na kaming kumain.
Tahimik lang kaming kumakain nang biglang nagsalita si Celeste.
"I've been wondering since this morning," panimula ni Celeste at nilunok niya ang kaniyang pagkain.
"Bakit hindi napigilan ni Miyo ang mahika niya? Diba malakas siya? Does this mean that Miyo is growing weak?" Tumaas ang isang kilay ni Celeste kaya kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Bakit mo naman nasabi iyan, Celeste?" tanong ni Diana and I stared at Celeste in confusion. Diana's right, paano naman nasabi ni Celeste na humihina na si Miyo?
"Siguro napansin niyo naman diba? After natin isauli ang bato ni Gaea, Miyo's been acting weird. Hindi na siya masyadong nagsasalita at mas gusto pa niyang mapag-isa tapos nang nangyari ang sunog sa east wing ay tila wala na siya sa sarili niya. Idagdag pa ang nangyari kaninang umaga," sabi ni Celeste habang kumakain.
"Celeste, alam naman nating lahat na wala ng mga magulang si Miyo. Maybe she chose to be alone para mag-isip and such at saka tungkol sa nangyari kanina umaga, hindi ibig sabihin no'n ay humihina na si Miyo. Matagal ng hindi ginagamit ni Miyo ang apoy niya and we all know that the fire is a very strong and powerful element kaya iyon nagwawala," malumanay na paliwanag ni Kris kay Celeste.
"It still doesn't make sense, Kris. Ang hirap paniwalaan ng mga sinasabi mo."—kumunot ang noo ni Celeste—"I'm starting to doubt Miyo's actions. Baka mamaya ay siya pala ang nagsunog ng east wing at pinapalabas lang niya na isang explosive potion ang sumabog—"
Nagulat ako nang padabog na binagsak ni Rain ang kaniyang mga kubyertos. Nakatayo si Rain ngayon at matalim siyang nakatingin kay Celeste. I gulped when I heard the water from the sink made a creepy menacing sound. Oh god, water girl is mad.
"Bawiin mo ang sinabi mo, Celeste."—malamig ang boses ni Rain at nakakuyom ang kaniyang mga kamay—"Hindi iyon magagawa ni Miyo kaya bawiin mo ang mga sinabi mo!"
"Rain," mahinang tawag ko kay Rain.
"Rain, kumalma ka." Hahawakan ko na sana ang kamay ni Rain ngunit mabilis niya itong inilayo sa'kin at nakita ko kung paano siya nagpalabas ng isang water ball. Oh no…
"Rain!" Jared warned ngunit hindi nakinig si Rain sakaniya.
Nagdilim ang buong mukha ni Rain at nanginginig na ang kaniyang mga kamay dahil sa nag-uumapaw niyang galit.
"Look Rain, hindi naman big deal ang sinabi ni Celeste so bakit niya naman babawiin iyon?" tanong ni Alia kay Rain.
"Huwag ka ng sumali rito Alia," malamig na sabi ni Rain na siyang ikinabigla ni Alia. Kaagad tumahimik si Alia matapos siyang tapunan ni Rain ng matalim na tingin.
"Rain kumalma ka nga! Bakit ka ba nagagalit? Nagsasabi lang naman ako ng opinyon ko at walang mali roon!" Hindi na napigilan ni Celeste ang sumigaw. Aish, mukhang lumalaki na ang away.
"Anong walang mali? Celeste, pinagbintangan mo si Miyo sa isang aksidente na hindi naman niya ginawa! Nakita mo na kasama natin siya noong araw na iyon kaya hindi ako kakalma hangga't hindi mo babawiin ang mga sinabi mo!" galit na sigaw ni Rain kay Celeste.
Naalerto kaagad ako nang biglang inatake ni Rain si Celeste ng kaniyang mga water balls. Bago pa makarating kay Celeste ang mga water balls ni Rain ay mabilis akong nagpalabas ng isang crystal shield sa puwesto ni Celeste at kaagad kong hinawakan ang mga kamay ni Rain upang pigilan siya.
Hindi madaling mainis si Rain. She's a calm woman for pete's sake but what is wrong with her right now? Bakit ba ang init ng ulo niya?
Totoo naman ang sinasabi ni Alia na hindi big deal ang sinabi ni Celeste tungkol kay Miyo dahil sa tingin lang naman iyon Celeste at opinyon lang niya iyon. Aish, bakit ba galit na galit si Rain? May iba pa ba siyang problema?
"Rain kumalma ka!" sabi ko kay Rain habang pinipigilan siya. Ang mga kaibigan ko ay tumutulong na rin sa pag-awat kina Rain at Celeste.
"Celeste, huwag kang magpadala sa galit mo! Huminahon ka!" rinig kong sigaw ni Van kay Celeste.
"Ano ba kayo! Nasa hapag-kainan tayo, mahiya naman kayo! Ang laki niyo na tapos dito pa talaga kayo nag-aaway!" galit na sabi ni Mary at tiningnan niya ng masama sina Celeste at Rain.
"Apologize to each other right now!" inis na sabi ni Jared habang pinipisil ang kaniyang sentido upang pigilan ang kaniyang galit.
"Why would I apologize? Siya ang umatake sa'kin, hindi ako!" Celeste exclaimed and she rolled her eyes before glaring at Rain who is also glaring at her right now.
"Celeste!" Kris hissed ngunit hindi pa rin nakinig si Celeste.
Umiinit na ang away and I sighed. Hay, everyone's on edge right now and it's really bad.
"Ano? Hindi ba kayo hihingi ng tawad sa isa't isa? Kapag hindi niyo gagawin ang sinabi ko ay sa labas kayo matutulog ng isang buwan!" Jared's voice boomed inside the dining room and I swear, I had the goosebumps.
Tumahimik kaming lahat matapos magsalita ni Jared. When Jared is mad, it means danger for us dahil kakaiba magalit si Jared. Jared's anger sometimes lasts for a whole week at wala siyang ginagawa sa loob ng buong linggo kundi ang magalit sa aming lahat and I don't want to talk about it anymore dahil natatakot na ako. I can feel Jared's anger radiating inside the whole dorm.
"Tss, I'm out of here," Rain said coldly and she started walked away.
"Huwag niyo akong sundan! Gusto kong mapag-isa!" Pahabol niya at nawala na siya sa paningin namin.
We heard the front door close with a loud thud and I knew na nakalabas na si Rain ng dorm.
I sighed. "What an eventful dinner."
"Sinabi mo pa," rinig kong sabi ni Daryl na nakatayo ngayon sa tabi ko.
"Bakit biglang nagalit si Rain? She never explodes so suddenly like that," nagtatakang sabi ni Hunter habang nakatingin sa kung saan lumabas si Rain kanina.
Umiling ako kay Hunter. "Pati ako na roommate ni Rain ay wala ring alam kung bakit bigla nalang siyang nagkakaganoon," sabi ko kay Hunter.
"Baka nag-overload na ang utak niya," singit ni Carter sa usapan namin ni Hunter.
"Baka dahil malapit na ang kabuwanan niya." Tumawa ng mahina si Sean.
"Hayaan nalang muna natin siya. She'll come around," sabi ko sakanila.
RAIN'S POV
Inis kong ginulo ang buhok ko. Argh! What is wrong with me? Maayos pa naman ako kanina. Bakit bigla nalang akong nagalit ng ganoon?
Alia had a point, tama siya. Hindi big deal ang sinabi ni Celeste dahil opinyon lang naman niya iyon pero bigla nalang kumulo ang dugo ko at nagalit ako kay Celeste. Nawalan nalang ako bigla ng kontrol sa sarili ko kanina at inatake ko si Celeste. Hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko and I don't know why that happened to me. Even my power went out of control just like my emotions.
Bumuntong hinga ako at inis kong sinipa ang railings ng rooftop saka sumigaw ng napakalakas. Tama, nasa rooftop ako. Naisipan kong umakyat dito sa rooftop ng faculty room since ito ang building na may pinakamagandang tanawin sa lahat and this is what I really need right now.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng academy habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Hanggang ngayon ay hindi ko parin maalis mula sa isipan ko ang nangyari kanina kay Miyo. Nakita ko kung paano siya namilipit sa sakit at naramdaman ko kaagad ang sakit na naramdaman ni Miyo dahil sa bond namin.
Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing nakikita ko ang mga mata ni Miyo na nangungusap sa'kin na tulungan siya. Ang mga mata ni Miyo na mula sa pula at asul ay biglang binalot ng kulay itim. Noong nakita ko na binalot ng malaking apoy ang kamay ni Miyo ay may mainit na enerhiya akong naramdaman mula sa loob ko.
Pumikit ako at pinakalma ko ang aking sarili. Nararamdaman ko na naman na nagsisimula ng magwala ang kapangyarihan ko. Hindi magiging maganda ang mangyayari kapag tuluyan na akong mawalan ng kontrol sa aking sarili. Ayokong maulit ang nangyari noon dahil sa kapabayaan ko, ayokong magkaroon ng malakas na bagyo rito dahil sa mga emosyon ko.
"Nandito ka lang pala."
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko roon si Sean na nakasandal sa pinto ng rooftop at kasama niya si Daryl na ngayon ay nakatingin lang sa kawalan at halatang kararating lang nilang dalawa dito sa rooftop.
"Paano niyo nalaman na nandito ako?" tanong ko sakanila habang nakakunot ang noo.
"The wind told me that you're here," diretsong sabi ni Daryl at tiningnan niya ako gamit ang kaniyang mga malamig na mata.
Seriously, he's too serious. Minsan iniisip ko kung ano kaya ang problema na dinadala ni Daryl dahil masyado siyang tahimik at seryoso.
"Grabe, ang lamig dito. Hindi ka ba nilalamig Rain?" tanong ni Sean sa'kin at nilagay niya ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang hoodie.
"Sanay na ako sa ganitong lamig, Sean," sabi ko sakaniya at hindi ko na napigilan ang ngumiti ng maliit.
"Ang sarap kaya ng hangin kapag malamig," sabi ni Daryl at ngumiti siya kay Sean. I agree with Daryl.
"Galit ka pa rin ba?" Naglakad papalapit dito sa puwesto ko si Sean.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam," sagot ko sakaniya.
"Anong klaseng sagot iyan?" natatawang tanong ni Sean sa'kin.
"Sagot niya, obviously." Ngumiwi si Sean dahil sa sinabi ni Daryl.
Lumaki ang ngiti ko. "Tama. Sagot ko nga," sabi ko kay Sean at sumandal ako sa pader ng rooftop.
"Rain, seryoso ang usapan natin kaya huwag kang magbiro," seryosong sabi ni Sean kaya tumango ako.
"Opo Lolo Sean, seryoso na po ako," sabi ko nang bigla pinitik ni Sean ang noo ko na ikinagulat ko ng husto. What the?
"Pffft. Lolo raw." Bumungisngis si Daryl.
"Anong Lolo?!" inis na bulalas ni Sean at akmang susuntukin niya ako sa braso ngunit kaagad akong umilag kaya tumigil siya.
"Oo na, seryoso na kasi! Kaistress ka ha!" inis kong sabi kay Sean at tinapunan ko siya ng isang nakamamatay na tingin habang sapo ang noo ko dahil pinitik niya ito kanina. Shesh, ang sakit ng noo ko.
"So ano? Galit ka pa rin ba? Kasi nakikita ko na ang mga maiitim na ulap mula sa malayo. Tumatawag ka na naman ng ulan, Rain." Tumawa si Sean matapos niyang sabihin iyon.
"Tumatawag ng ulan si Rain. Rain is calling rain. Wow, Rain is calling herself," biro ni Daryl at tumawa siya ng mahina. Ano ba ang nakakatawa mula sa sinabi niya? Minsan hindi ko rin maintindihan itong si Daryl.
"Che! sabi ko naman kasi sainyo na hindi ko alam kung galit pa ba ako o hindi kasi naguguluhan pa ako sa mga nangyayari. Ewan ko ba kung bakit bigla nalang akong nagalit kanina. Bigla nalang akong nawalan ng kontrol sa sarili ko at pakiramdam ko ay may ibang kumukontrol nitong katawan ko," paliwanag ko sakanila.
Kumunot naman ang noo ni Sean dahil sa narinig niya mula sa'kin. "Pakiramdam mo ay may ibang kumukontrol ng katawan mo? Teka, pwede ba yon? Ano ka? Sinapian? Ganon?"
"Puppet siya tol," singit ni Daryl.
Tumango ako kay Sean. "Oo, pakiramdam ko kanina ay sinapian ako."—sinamaan ko ng tingin si Daryl—"Hindi ako puppet! Suntukin kita diyan eh," banta ko kay Daryl.
"Okay, chill ka lang. Oo na, hindi ka na puppet," sabi ni Daryl sa'kin at itinaas niya ang dalawang kamay niya.
"What the hell Rain? Nahulog ka ba sa kama mo?" Sean's eyebows scrunched in confusion.
"Sean, seryoso ang usapan natin kaya wag kang magbiro," seryoso kong sabi kay Sean.
"Comeback is real," singit ni Daryl at tinawanan niya si Sean.
"Ewan ko sayo Rain. Ang gulo mo." Napakamot sa kaniyang batok si Sean at tumingin siya ng masama kay Daryl.
"Pwede ba Daryl? Tigilan mo nga iyang ginagawa mo!" ani Sean kay Daryl.
"Why would I stop when I am doing nothing?" inosenteng tanong ni Daryl.
"Argh! Ewan ko sayo tol!" inis na sabi ni Sean at tumingin siya sa'kin.
"Jared wants you and Celeste to apologize to each other at hindi siya papayag na bukas niyo iyon gagawin. It has to be done tonight," dagdag ni Sean.
Tumango ako. "Yeah, don't worry. Kasalanan ko naman kaya hihingi ako ng tawad kay Celeste mamaya."
I am fully aware na kasalanan ko ang nangyari kanina kasi ako ang unang umatake kay Celeste kahit labag iyon sa sarili ko na atakihin siya gamit ang mahika ko. Ano ba kasi ang nangyayari sa'kin? Kaninang umaga ko pa nararamdaman na tila may ibang kumukontrol sa katawan ko.
"Tara na nga. Malalim na ang gabi," sabi ni Sean at nauna na siyang maglakad.
"Naiihi ka ba Sean? Mag-enjoy muna tayo rito," sabi ni Daryl.
"Enjoy? Ano tayo? Mga bata?"—tumaas ang isang kilay ni Sean—"Gusto mo bang maparusahan? Baka nakalimutan mo na may curfew, Daryl."
"Sus, kaibigan naman natin ang mga scouts kaya safe tayo." Daryl smirked.
"May saltik ka yata Daryl. Hindi pwede yan," sabi ko kay Daryl habang umiiling.
Bumaba na kaming tatlo ng rooftop at naglakad na pabalik ng dorm. Tahimik ang buong pasilyo ng academy at wala na kaming nakikitang mga guro at estudyante.
"Kanina," biglang sabi ni Daryl sa gitna ng katahimikan.
"Noong nagwala si Miyo, may nararamdaman ba kayong kakaiba?" tanong ni Daryl.
"May naramdaman akong kakaiba. Naramdaman ko ang sakit na nararamdaman ni Miyo," sabi ko kay Daryl.
Inikot ni Daryl ang mga mata niya. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin na kakaiba. Ang kakaiba na sinasabi ko ay iyong may kung anong mainit sa loob ng dibdib—"
Hindi ko pinatapos si Daryl dahil sinagot ko siya kaagad. "May nararamdaman akong kakaiba. May naramdaman akong mainit na enerhiya sa loob ng dibdib ko nang nakita ko ang mga apoy ni Miyo."
"Ako rin. Naramdaman ko rin iyang mainit na enerhiya na sinasabi niyo," sabi ni Sean.
"Nang nakita ko ang mga apoy ni Miyo ay may mainit na enerhiya akong naramdaman sa loob ng aking dibdib and heck! It was so hot and painful," paliwanag ni Daryl at nakita ko kung paano pumunta ang isang kamay niya sa kaniyang dibdib.
"Naramdaman kaya ito ng iba?" tanong ko at nakita kong umiiling si Daryl.
"Kaninang umaga, I asked Naeri and Carter and they told me that they didn't felt it. At dinner, tinanong ko si Hunter and he told me that he felt a warm energy inside his chest," seryosong sabi ni Daryl sa'min.
So hindi kaming lahat ang nakaramdam sa misteryosong mainit na enerhiya.
"Mabuti kaya para sa'tin itong nararamdaman natin?" tanong ko sakanila.
"I don't know—" Sean stopped talking when Daryl shushed him. Tumahimik rin ako matapos iyong gawin ni Daryl sa'kin.
"Don't make a sound," bulong ni Daryl sa amin.
"Bakit Daryl?" tanong ni Sean.
"I'm hearing voices—s**t! They're near! Let's hide now! Quickly!" Daryl hissed and we quickly searched for a place to hide.
Bigla akong hinigit ni Sean at dinala niya ako sa isang bakanteng silid kasama si Daryl. Umupo at dumikit kaming tatlo sa pader. Nakita ko ang liwanag ng buwan mula sa mga bintana at ito ang nagbibigay ng ilaw sa amin.
"Papalapit na sila," rinig kong bulong ni Daryl.
Aish! Kapag nakita talaga kami ng mga guro ay siguradong mapaparusahan talaga kami nito. It's past curfew at wala pa kami sa dorm! We're so dead. Buti nalang talaga narinig ni Daryl na may paparating.
"Nasaan siya ngayon?"
"Nilipat ko na siya sa isang sikretong kwarto ngunit hanggang ngayon ay itim pa rin ang kaniyang mga mata at nagwawala pa rin ang apoy niya."
"Kailan lang ito nangyari?"
"Kaninang umaga."
"Si Miyo ba ang pinag-uusapan nila?" bulong ni Sean at nakita ko kung paano nabalot ng kaba ang kaniyang mukha.
"No doubt. They're talking about the incident this morning so it's obvious that they're talking about Miyo," bulong ni Daryl pabalik.
"From their voices, alam ko na si Principal MJ ang isa ngunit sino naman ang kasama niya?" tanong ko at umiling silang dalawa.
"We don't know," sagot ni Sean.
Magsasalita na sana ako nang pinigilan ako ni Daryl.
"Ano sa tingin mo? Tanda na ba ito na tama ang mga sinabi niya?"
"Walang kaduda-duda na tumutugma ang lahat ng mga nangyayari ngayon sa mga sinabi niya."
"Kailangan na nating bilisan. Baka nasa panganib na ngayon ang apo ni Kenji."
My eyes went wide when I heard the name of Miyo's grandfather. Damn it, si Miyo nga ang pinag-uusapan nila! At ano raw? Baka nasa panganib si Miyo?!
Tumayo ako mula sa pinagtaguan ko at naglakad papunta sa pinto nang bigla akong pinigilan ni Sean.
"Rain, ano ba! Huwag mong ipahamak ang sarili mo!" Sean hissed in anger.
"Miyo is in danger, narinig mo naman ang sinabi ng kasama ni Principal MJ diba? We need to see her!" I seethed and grabbed my hand from Sean.
"Huwag kang magpadalos-dalos, Rain. Baka nakalimutan mo na lampas curfew na. You're getting ourselves into trouble," seryosong sabi ni Daryl sa'kin.
"Then anong gusto niyong gawin natin? Hahayaan nalang natin si Miyo—ARAY!" Napaupo ako sa sahig nang nakaramdaman ko ng matinding sakit mula sa loob ng dibdib ko. Ang sakit!
"Rain!" Kaagad akong nilapitan ni Sean.
"A-Ang sakit!" nahihirapan kong sabi sakanila. Argh…
"S-s**t!"
"Argh!"
Nakita ko kung paano sumandal sa pader si Daryl at bumagsak sa tabi ko si Sean. Kagaya ko ay namimilipit rin sila sa sakit at hawak nila ang kanilang mga dibdib. Ano ba ang nangyayari sa amin? Bakit bigla nalang sumasakit ang aming mga dibdib?
"A-Ack! Ano ba ang nangyayari sa'tin?!" tanong ni Sean sa gitna ng mga daing niya.
"Argh! T-Tingin mo alam namin?! We're all f*****g hurt here!" nahihirapan na sabi ni Daryl.
Naramdaman ko ang mainit na enerhiya sa loob ng dibdib ko at unti-unti itong kumalat hanggang sa naramdaman ko na binalot na ng init ang puso ko. Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang aking sarili huwag sumigaw dahil sa sakit. Sobrang sakit na talaga!
"Argh! A-Ang init!" rinig kong daing ni Sean.
"Damn it!" daing ni Daryl habang nakapikit.
The pain inside our chests lasted for a couple of minutes at maya-maya ay unti-unti na itong nawawala. Nakahinga ako ng maluwag nang naramdaman ko na tuluyan na itong nawala. Namamanhid ang buong katawan ko at habol ko ang aking mga hininga. Nawawalan na ako ng lakas at nanlalabo na ang paningin ko.
"f*****g s**t, what was that?!" Daryl hissed, still clutching his chest.
"Nanghihina na ako…" Tumingin ako sakanila.
"Hang on Rain," sabi ni Sean at tinulungan niya akong tumayo and then he placed my hand around his neck for support.
"I have a feeling that Miyo is not feeling well right now..." bulong ko sakanila.
"Rain? Rain!" Naramdaman kong tinapik ni Sean ang pisngi ko ngunit bumibigat na ang talukap ng mga mata ko.
"Sean, kailangan na nating umalis dito," nagmamadaling sabi ni Daryl.
Unti-unting nagdilim ang aking paningin hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.