THIRD PERSON'S POV
"AAAAAH!"
"Miyo huminahon ka! Huwag kang magpadala sa mga emosyon mo!" sigaw ni MJ mula sa labas ng kwarto kung saan nakakulong ang dalagang si Miyo
Nakita ni MJ mula sa bintana ng kwarto kung paano namilipit at dumaing ng paulit-ulit si Miyo dahil sa kaniyang nagwawalang mahika.
"GAAAAAH!" nahihirapan na sigaw ni Miyo dahil sa sakit.
Tumataas at bumababa ang kaniyang dibdib dahil sa mabibigat niyang mga hininga. Sandamakmak na pawis na ang lumabas mula kay Miyo at hindi pa rin nawawala ang mga apoy at paso sa kaniyang buong katawan.
"T-TULONG! ANG SAKIT!" sigaw ulit ni Miyo at sa pagkakataon na ito ay sumiklab ang isang malaking apoy sa kaniyang buong katawan at binalot na ng malaking apoy ang buong katawan ni Miyo.
"M-Mizuki..." wala sa sariling sambit ni MJ nang nakita niya ang mga apoy ng dalaga.
"Parehas na parehas ang mga apoy ni Miyo sa mga apoy ni Mizuki," dagdag ni MJ nang hindi inaalis ang kaniyang tingin mula kay Miyo.
"Ito na ang sinasabi ko, MJ. Kahit naibalik na ang bato ni Gaea ay hindi pa rin natin napigilan ang pangyayari na'to."— seryosong lumingon ang katabi ni MJ kay Miyo—"Ang nangyayari ngayon kay Miyo ay hudyat na nagsisimula na ang matagal na nating iniiwasan."
"It was in her prophecy, Master Fiora. Siya pa mismo ang nagsabi sa'tin na kahit ano'ng gagawin natin ay hindi na natin ito maiiwasan. Nakita niya na mangyayari talaga ito," walang emosyon na sabi ni MJ sa kaniyang katabi at lumingon si Fiora sakaniya.
"Naaawa na ako sa apo ni Kenji. Kung nandito lang siguro si Kenji ngayon ay alam ko na masasaktan talaga siya dahil sa nangyayari sa apo niya," mahinang sabi ni Fiora at muli siyang tumingin kay Miyo.
"Ganito rin ang nangyari sa asawa ng kaniyang anak na si Enzo," mahinang sabi ni MJ, sapat lang na marinig ni Fiora.
"Tama, ganito rin nga ang nangyari kay Mizuki noon," mahinang sabi ni Fiora bago bumuntong hinga.
Nagulat sina MJ at Fiora nang biglang lumaki ang mga apoy ni Miyo at tuluyan ng binalot ang buong kwarto ng apoy. Hindi na nakikita nina MJ at Fiora ang katawan ng dalaga dahil sa sobrang laki ng apoy. Naalerto kaagad si Fiora at kaagad niyang binuksan ang pinto ng kwarto kung saan nakakulong si Miyo.
"Master Fiora!" tawag ni MJ kay Fiora ngunit hindi na siya narinig ni Fiora dahil nakapasok na si Fiora sa kwarto ng dalaga.
"Mag-ingat ka, Master Fiora," bulong ni MJ habang tinitingnan si Fiora mula sa bintana ng kwarto.
"Miyo? Iha? Naririnig mo ba ako?" sigaw ni Fiora sa gitna ng malaking sunog at umatras siya nang muntik na siyang matamaan ng apoy.
"Nakakagulat! Mas malakas pa ito sa mga apoy ni Mizuki!" manghang sabi ni Fiora habang nakatingin sa mga apoy ni Miyo.
Pinagmasdan ni Fiora kung paano lumaki nang lumaki ang mga apoy ni Miyo. Mula sa pulang apoy ay unti-unti itong nag-iba at naging kulay kahel at mas lalo pa itong uminit kumpara sa temperatura nito kanina.
Dahan-dahan na lumapit si Fiora sa umaapoy na katawan ni Miyo at nakita niyang nakaupo na ngayon ang dalaga sa kaniyang kama. Nakatingin lang si Miyo sa kawalan at doon napansin ni Fiora ang pagbabago ng hitsura ni Miyo.
Mula sa kaniyang mga balikat ay mas tumaas pa ang buhok ni Miyo. Ngayon, ang buhok ni Miyo ay hanggang bewang na buhok niya at nakulayan ng kulay pula ang ibabang bahagi nito. Ang kaniyang mga mata naman na mula sa magkaibang kulay ay binalot na ng kulay kahel ang kaniyang dalawang balintataw. Nawala na ang lahat ng mga paso ng dalaga at walang ni isang peklat ang natira. Tila hindi nasunog ang balat ni Miyo dahil bumalik na ito sa normal.
"Ibang klase..." bulong ni Fiora sa kaniyang sarili dahil sa pagkamangha.
"Naghihilom ng kusa ang kaniyang mga sugat!" Hindi makapaniwala si Fiora sa mga nakikita niya ngayon.
Hahawakan na sana ni Fiora ang kamay ni Miyo nang may humigit sakaniya papalayo mula sa dalaga at pinigilan siya na tuluyan ng makalapit sa katawan ni Miyo.
"Huwag mong hawakan ang kamay niya kung ayaw mong ikaw ay kainin ng kaniyang apoy," sabi ng isang malamig at malalim na boses kay Fiora na ngayon ay hindi makakilos sa kaniyang puwesto.
Lumaki ang mga mata ni Fiora dahil sa taong nasa harap niya. "K-Kenji!"
"Umalis ka na rito, Fiora. Ako na ang bahala sa apo ko," may awtoridad na sabi ng matandang lalaki kay Fiora.
"Ngunit—"
"Umalis ka na Fiora! Bago pa magbago ang isip niya na saktan ka!" sigaw ni Kenji na naging dahilan upang kumaripas ng takbo palabas ng kwarto si Fiora.
"Master Fiora!"
"MJ!" bati ni Fiora nang nakita niya si MJ na naglalakad papalapit sakanya.
"Masaya ako dahil ayos ka lang," sabi ni MJ kay Fiora.
"Ano ang ginagawa ni Kenji rito?!" kaagad na tanong ni Fiora kay MJ.
"Hindi mo ba nakikita, Fiora?" sabi ng isang bagong boses.
"Nandito si Kenji upang bisitahin ang apo niya," dagdag nito.
"Ano'ng ginagawa mo rito, Fujio? Huwag mong sabihin na magkasama kayong dalawa ni Kenji sa pagpunta rito?" Tumaas ang isang kilay ni Fiora.
"Tama ka, Fiora. Ah! Ang talino mo talaga." Humalakhak si Fujio.
"Fujio, walang nakakaalam tungkol sa lugar na ito kaya paano kayo nakarating dito?!" naguguluhan na tanong ni Fiora kay Fujio.
"Ako ang tumawag sakanila," biglang sabi ni MJ.
"Bakit MJ?" tanong ni Fiora.
"Dahil ito ang tamang oras na magkita sina Kenji at Miyo," paliwanag ni MJ.
"Nagwawala ang mga apoy ni Miyo at nakita mo naman na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nawawala kaya tama lamang na nandito si Master Kenji upang pigilan ang mga apoy ni Miyo gamit ang kaniyang mahika," dagdag ni MJ at natigilan si Fiora dahil sa sinabi ni MJ.
"Kenji has the element of ice and his ice magic can put out his granddaughter's fire," Fiora said slowly, finally understanding the situation.
"Mabuti naman at naintindihan mo na, Fiora. Akala ko ay hindi mo na talaga makukuha ang ideya kung bakit kami nandito," nakangising sabi ni Fujio kay Fiora.
"Tumahimik ka Fujio kung ayaw mong lagyan ko ng lason iyang tsaa na iniinom mo ngayon," banta ni Fiora kay Fujio.
"Binibiro lang naman kita. Sige ka, Tatanda ka talaga ng mabilis niyan!" Tumawa si Fujio kaya hindi na napigilan ni Fiora ang paikutin ang kaniyang mga mata.
"Hindi na ako magtataka kung bakit mahal na mahal nina Enzo at Mizuki ang isa't isa," biglang sabi ni MJ habang nakatingin sa bintana ng kwarto kung nasaan si Miyo.
"I know right? Opposite attracts talaga!" bulalas ni Fujio at tumawa na parang isang baliw.
"Fujio, ano ba! Huwag kang feeling binata dahil matanda ka na," sita ni Fiora kay Fujio.
"Ble! Inggitera." Ngumisi si Fujio.
"Argh!" Susugurin na sana ni Fiora si Fujio nang nakarinig sila ng isang nakakabinging sigaw.
"KENJI!" sigaw nina Fujio at Fiora.
Lumingon sina Fiora at Fujio sa bintana ng kwarto ngunit hindi si Kenji ang nakita nilang sumisigaw kundi ang dalaga na si Miyo. Sumigaw nang sumigaw si Miyo nang tinamaan ng yelo ang kaniyang mga apoy at tila konektado ang mga apoy sa katawan ng dalaga.
Nakita ni Fiora kung paano humina ang mga apoy ni Miyo nang ginamit na ni Kenji ang kaniyang mahika. Unti-unting nawala ang malaking apoy na nagmumula sa dalaga at binalot ng yelo ang buong kwarto. Hanggang sa nawala na ang apoy at ang nakikita nalang ngayon ay ang makapal na yelo na nasa buong paligid.
"Lumalamig na." Nakahinga ng maluwag si MJ.
Bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas mula roon si Kenji habang bitbit ang nanghihinang katawan ni Miyo. Nilagay ni Kenji ang katawan ng dalaga sa isang bakanteng kama at pinagmasdan niya ang mukha nito.
"Apo ko," bulong ni Kenji habang malungkot na nakatingin sa mukha ni Miyo.
"Grabe ka, Kenji. You never failed to amaze me. Ang lakas mo pa rin kahit matandang hukluban ka na!" tumatawang sabi ni Fujio.
Tumigil sa pagtawa si Fujio nang tinapunan siya ni Kenji ng isang nakamamatay na tingin.
Nilagay ni Fiora ang kaniyang kamay sa noo ni Miyo at lumabas ang isang kulay dilaw na ilaw mula roon. Napangiti si Fiora nang nalaman niya ang kundisyon ng dalaga.
"Ang enerhiya na nagmumula sa kaniyang ice magic ay nanghihina na. Dahil sa lakas ng kaniyang apoy ay hindi na nagiging balanse ang kaniyang mahika ngunit kalmado na ang kaniyang katawan at diwa kaya wala na tayong dapat na ikabahala," sabi ni Fiora.
"Maraming salamat sa pagpunta niyo, Master Kenji," nakangiting sabi ni MJ kay Kenji.
"Hindi MJ. Ako dapat ang nagpapasalamat sa'yo ngayon kasi dahil sa'yo ay nakita ko na sa wakas ang aking apo," sabi ni Kenji.
"Alam mo na matagal ko na siyang gustong makita, MJ. Nang sinabi mo sa'kin na nandito sa Shorewald ang apo ko ay labis at hindi ko maipaliwanag ang aking tuwa. Plano ko sanang bisitahin si Miyo ngunit sinabi mo sa'kin na nasa isang misyon sila upang isauli ang bato ni Gaea at hindi ko maiwasan ang mag-alala. MJ, salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na makita siya ngayon." Ngumiti si Kenji kay MJ.
"Walang anuman, Master Kenji," nakangiting sabi ni MJ.
"Nakikita ko sina Enzo at Mizuki sakaniya," komento ni Fiora habang nakatingin kay Miyo.
"Your granddaughter's a fighter, Kenji. Sobrang lakas ng apoy niya at kinaya niya ang lahat ng iyon ng hindi nawawalan ng malay sa loob ng ilang araw," sabi ni Fujio habang nakatingin kay Miyo.
Hindi na napigilan ni Kenji ang ngumiti ng malaki. "May pinagmanahan eh," sabi ni Kenji.
"Ano na ngayon ang gagawin mo, Kenji? Mukhang namana ng apo mo ang tungkulin ni Mizuki at hindi na natin iyon maiiwasan at mapipigilan," nag-aalalang sabi ni Fiora at umupo siya sa upuan na nasa tabi ni MJ.
"I have no other choice but to help my granddaughter, Fiora. I'm going to train her just like how I trained my son and Mizuki. In that way, she will become strong enough to protect herself and protect the people that she cherishes," seryosong sabi ni Kenji.
"But Kenji, if you're going to train your granddaughter then you can't do it here. You can't be seen roaming around the academy like a student for you are a member of the council at kapag nakita ka ng mga estudyante rito sa akademya ay magiging iba ang tingin nila sa'yo at sa apo mo," seryosong sabi ni Fujio habang umiinom ng tsaa.
"Tama si Fujio, Kenji. Kung gusto mong tulungan si Miyo, huwag mong gawin ang training ninyo rito sa academy," sabi naman ni MJ.
"Then I'll find a way," diterminadong sabi ni Kenji.
MIYO'S POV
Itim. Ang lahat ng nakikita ko ngayon ay itim.
Kanina lang ay binalot ako ng isang napakalaking apoy. Sinusunog na nito ang buong katawan ko hanggang sa bigla akong nakaramdam ng isang malamig na sensasyon at pakiramdam ko ay dinadala ako ng sensasyon na iyon sa isang paraiso.
Nawala ang nakakapasong init dito sa loob ng aking dibdib nang naramdaman ko ang lamig na iyon. Tumigil na ang p*******t ng aking ulo at unti-unting nawala ang apoy na bumabalot sa'kin. I couldn't find the right words to describe what I am feeling right now but there's one feeling that's dominant inside me now.
I feel alright. I don't feel any pain anymore at normal na ang lahat para sa'kin. It's like I am me again.
"Miyo?"
That voice...
"Miyo? Can you hear me iha?"
Si Principal MJ ba yon?
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at ang una kong nakita ay ang mga malabong pigura na nakatingin sa'kin.
I squinted my eyes to get a clearer view of the figures and slowly, my vision came back. Nakita ko si Principal MJ na nakatingin sa'kin at may kasama siyang tatlong tao na hindi ko kilala.
The first person was standing beside Principal MJ and she had a blonde and curly hair that reached until her shoulders. She was smiling gently at me and I saw that she was holding a stick or a wand…maybe?
The second person was a man. I think nasa mid seventies na siya or above. He had a long white beard and his silver hair was in a ponytail. He looks like one of those old samurai men that I saw in Japanese movies because of the katana that was on his back.
The third one was familiar to me. Just like the second person, he was also in his mid seventies and he had a wavy white hair that reached until his shoulders. His eyes were like my father's. They were blue with a tint of green and even his face was similar to my father's face too. I can feel a familiar aura radiating from him.
Napansin ko na silang tatlo ay nakasuot ng magkaparehong balabal at parehas ang mga tatak na nakalagay sa kanilang mga dibdib. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga tatak na iyon ngunit masasabi ko na mga bigatin at kilala silang mga tao.
"Hello, iha." The person beside Principal MJ smiled at me.
"I'm Fiora, nice to meet you," sabi niya sa'kin.
"F-Fiora..." I managed to say at tumango si Fiora sa'kin.
Tumikhim ako ng paulit-ulit. My throat hurts and my voice came out hoarse. Tingin ko ay dahil ito sa kakasigaw ko kanina.
Tiningnan ko ang aking mga braso at binti at doon ko nakita na wala na ang mga paso ko. Napansin ko rin na nagbago ang aking buhok dahil nakita ko na naging kulay pula ang dulo nito. Hindi na ako magtataka kung bakit nangyayari ito dahil mukhang ito ang resulta matapos magwala ng aking mahika.
"How are you feeling right now, Miyo?" rinig kong tanong ng isang malalim na boses.
Tumingin ako sa matandang lalaki na may dalang katana sa kaniyang likod at nagtama ang tingin naming dalawa. Tumikhim ulit ako bago sumagot sakaniya.
"A-Ayos..."
"Oh dear, your throat seems to be bothering you. Am I right?" tanong ni Fiora sa'kin at tumango ako.
"Okay wait, let me help you with that," nakangiting sabi ni Fiora at lumapit siya sa'kin.
I saw how Fiora gently placed her hand on my throat at nakita ko itong umilaw ng kulay dilaw. Maya-maya ay naramdaman ko na naman ang malamig na sensasyon at unti-unting nawawala ang hapdi sa aking lalamunan.
Inalis ni Fiora ang kaniyang kamay mula sa lalamunan ko. "Better?" tanong niya sa'kin.
"Better," sabi ko sakaniya at ngumiti ako.
"Miyo, siya nga pala si Fujio at ang katabi naman niya ay si Kenji," sabi ni Principal MJ.
"Silang dalawa kasama si Fiora ay galing sa Magic Council ng Silverwest at sila ang mga masters natin. Nandito sila dahil nalaman nila ang tungkol sa kundisyon mo kaya nagpasya sila na tulungan ka," paliwanag ni Principal MJ na siyang ikinagulat ko.
M-Magic Council? Kaya pala bigatin sila kung tingnan kasi galing pala sila sa council!
Gulat akong tumingin sa tatlong matanda at ngumiti lang sila sa'kin, especially the old man that Principal MJ called 'Kenji'. Dahil sa gulat at pagmamadali ko, uupo na sana ako upang magbigay galang sakanila nang pinigilan ako ni Master Kenji.
"It's okay, iha. Hindi mo na kailangan na pilitin ang sarili mo. Just rest, okay?" malumanay niyang sabi sa'kin.
Hinawakan ni Master Kenji ang mga kamay ko at nakaramdaman ako ng isang pamilyar na init mula sa loob ko. Pakiramdam ko ay hawak nina Mama at Papa ang mga kamay ko. Nagtataka akong tumingin kay Master Kenji na hanggang ngayon ay hindi pa rin binibitawan ang mga kamay ko.
"Kenji, tingin ko ay oras na para malaman niya ang totoo," Master Fiora said softly.
"I agree with Fiora, Kenji," dagdag ni Master Fujio.
Oras na para malaman ko ang totoo? Bakit? Ano ba ang kailangan kong malaman?
Tumahimik ang buong kwarto at narinig ko na bumuntong hinga si Master Kenji. Umupo siya sa upuan na nasa tabi ng kama ko at saka niya ako tiningnan. Nagtama ang mga mata naming dalawa at nakita ko ang mga luha na namumuo sa mga mata ni Master Kenji.
"M-Miyo..." Huminga ng malalim si master Kenji at naririnig ko na ang malakas na pagtibok ng puso ko. Ano ba ang sasabihin ni Master Kenji sa'kin? Bakit kinakabahan ako ng ganito?
"Miyo," muling tawag ni Master Kenji at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.
Hindi ako makagalaw mula sa aking puwesto. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Master Kenji kaya naguguluhan akong tumingin kay Principal MJ. Binigyan lang ako ng isang ngiti ni Principal MJ at ganoon rin sina Master Fiora at Master Fujio.
"Miyo, apo ko," rinig kong bulong ni Master Kenji na naging dahilan upang tuluyan na akong hindi makakilos sa puwesto ko.
A-Apo?
"Apo?" naguguluhan kong tanong kay Master Kenji. Kumalas mula sa yakap si Master Kenji at hinawakan niya ang mga balikat ko.
"Ako ang ama ni Enzo, ako ang lolo mo," mahinang sabi ni Master Kenji sa'kin.
Siya ang ama ni Papa? Siya ang lolo ko? Ngunit ang sinabi ni Papa sa'kin ay matagal ng namatay ang lolo ko. Imposible na si Master Kenji ang lolo ko, imposible!
Umiling ako. "Nagkakamali po kayo. Hindi po ako ang apo niyo. Sabi po ni Papa sa'kin ay matagal ng patay ang lolo ko," paliwanag ko.
"Miyo, ginawa lamang iyon ng Papa mo dahil kailangan niyang ilihim ang kaniyang totoong pagkatao sa mundo ng mga tao," mahinang sabi ni Master Kenji. Ibug sabihin, naglihim sina Mama at Papa sa'kin?
"Miyo, intindihin mo ang ginawa ng Papa mo sa'yo dahil para iyon sa ikabubuti ng lahat. Nangako si Enzo na hindi siya magsasalita tungkol sa mundong ito kapag nasa mundo na siya ng mga tao," rinig kong sabi ni Master Fiora.
"Sinusunod lamang ni Enzo ang batas nga mundong ito, Miyo," sabi naman ni Principal MJ.
"Kung ganon,"—huminga ako ng malalim at tumingin ulit kay Master Kenji—"kayo nga po ang Lolo ko?"
"Oo Miyo. Ako nga ang Lolo mo," sabi ni master Kenji at marahan siyang ngumiti.
Niyakap ko si Master Kenji ng mahigpit at hindi ko na napigilan ang ngumiti. Kaya pala kamukha niya si Papa dahil lolo ko pala si Master Kenji. Akala ko patay na talaga ang lolo ko, akala ko talaga ay wala na akong pamilya na natira. Sobrang saya ko ngayon dahil kasama ko na ang lolo ko.
"Hindi ko po inaasahan na makikita ko po kayo ngayon, lolo." Naramdaman kong uminit ang aking mga mata.
Narinig kong tumawa ng mahina si lolo. "Ako rin, iha."
Kumalas ako mula sa yakap at tiningnan ko si Lolo Kenji. "Si Lola po?"
"Matagal ng patay ang lola mo. Namatay siya dahil sa isang sakit limang taon na ang nakalipas," malungkot na sabi ni Lolo Ken sa'kin.
"Kung gusto mo, pwede natin bisitahin ang puntod niya kapag wala ka ng pasok," dagdag niya.
"Gusto ko po iyon," sabi ko sakaniya nang nakangiti.
"Miyo, ngayon na nalaman mo na ang totoo tungkol sa lolo mo, gusto namin na huwag mo itong ipagkakalat at ipagsasabi sa iba dahil walang dapat na makakaalam tungkol dito. Naintindihan mo ba, iha?" tanong ni Master Fiora sa'kin.
Tumango ako. "Naintindihan ko po, Master Fiora."
"Sigurado ka ba apo na ayos na ang pakiramdam mo? Baka mamaya ay magwawala na naman ang mahika mo," nag-aalalang sabi ni Lolo Ken sa'kin.
"Ayos na po ang pakiramdam ko," sabi ko sakaniya.
"Upang maiwasan natin ang pinsala at disgrasya, mas mabuti na siguro na huwag mo munang gamitin ang iyong mahika, Miyo," seryosong sabi ni Master Fiora sa'kin.
Tumango ako. "Okay po."
"Alam mo ba, Miyo, na ang Lolo mo ang nagligtas sayo?" Napalingon ako kay master Fujio nang nagsalita siya.
"Po?!" Si Lolo Ken ang nagligtas sa'kin?
"Si Kenji ang nagligtas sa'yo mula sa iyong mga apoy, Miyo. Gamit ang kaniyang ice magic ay pinatay niya ang mga apoy mo," sabi ni Master Fiora sa'kin.
Hindi ako makapaniwala. Ang laki kaya ng mga apoy na bumabalot sa'kin kanina tapos pinatay iyon lahat ni lolo ng walang kahirap-hirap? Whoa, ang lakas pala ni lolo!
"Lolo Ken," tawag ko kay lolo at hinawakan ko ang mga kamay niya.
"Turuan niyo po ako kung paano palakasin ang ice magic ko," diterminadong sabi ko kay Lolo.
Nakita kong nagulat si Lolo Kenji dahil sa sinabi ko pero nakabawi naman siya kaagad.
"Walang problema sa'kin iyon," sabi niya.
Napangiti naman ako dahil sa tuwa. "Yes! Maraming salamat po! Pangako po Lolo Ken, makikinig po ako sa inyo at susundin ko po ang lahat ng mga sasabihin at ituturo niyo sa'kin."
I need to make my ice magic stronger. Now that I know na si lolo pala ang nagligtas sa'kin mula sa mga apoy ko, alam kong may panlaban na ako sa susunod kung sakaling magwawala na naman ang apoy ko. Ice is fire's polar counterpart, they're opposites.
"Hindi ko inaasahan na determinado kang matuto, Miyo," manghang sabi ni Master Fiora.
"Determinado po akong matuto dahil may mga mahahalagang tao po ako na gusto kong protektahan." Lumingon ako kay Lolo Kenji and I saw a proud smile on his face. A smiled na minsan ko na ring nakita kay Papa.
"Natutuwa ako dahil sa laki ng determinasyon mo apo. Di bale, kapag may panahon ay tuturuan kita," sabi ni Lolo Ken sa'kin.
"Maraming salamat po," sabi ko.
"Ngayon na ayos na ang pakiramdam mo, Miyo. Baka sa susunod na bukas ay pwede ka ng pumasok. Sa ngayon ay manatili ka muna rito dahil kailangan ka pa naming obserbahan. Ayos ba?" tanong ni Principal MJ sa'kin.
Tumango ako. "Ayos lang po kung iyon ang makakabuti para sa'kin."
"Mabuti." Tumango si Principal MJ.
"Dumating na ang oras, MJ. Kailangan na naming umalis dahil baka hinahanap na kami roon sa mansyon ng Magic Council," rinig kong sabi ni Master Fujio.
"Apo, kailangan na naming umalis. Magpakabait ka rito ha?" Muli akong niyakap ni Lolo Kenji.
"Opo. Mag-ingat po kayo, Lolo Ken," mahinang sabi ko sakaniya.
Kumaway sa'kin sina Master Fujio at Master Fiora kaya kumaway rin ako pabalik. Isinarado na ni Lolo Ken ang pinto ng kwarto at naiwan kaming dalawa ni Principal MJ dito sa loob.
"Salamat po, Principal MJ, kasi dahil sainyo ay nakita ko na po ang lolo ko."
Ngumiti si Principal MJ sa'kin. "Walang anuman, Miyo. Matulog ka na riyan dahil alam kong pagod ka pa rin."
Tumango ako at umayos na sa pagkakahiga rito sa kama. Inayos ni Principal MJ ang kumot ko at ipinikit ko na ang aking mga mata. Hanggang sa nakatulog na ako.