Chapter 4 : Unfamiliar Faces

4258 Words
NAERI'S POV "Kamusta na silang tatlo? Are they fine now?" I asked Mary when she got out from the room kung saan nagpapahinga sina Rain, Daryl at Sean. "Daryl's fine and he's sleeping soundly right now but Rain and Sean are not. Rain is sweating and she's still crying in pain while Sean is having a hard time breathing," paliwanag ni Mary sa'kin as her eyebrows creased in worry. "Rain is crying?" kinakabahan na tanong ni Clyde habang naglalakad papunta rito sa amin ni Mary. "Yeah," sagot ko at binigyan ko si Clyde ng isang malungkot na ngiti. "Well that explains the rain right now," sabi ni Clyde habang nakangiwi at tinuro niya ang bintana ng dorm. "It's going to be a wet and cold day for us. Mukhang mababasa na naman ang mga sapatos at medyas natin dahil sa lakas ng ulan," sabi ko at bumuntong hinga. Mukhang hindi titigil ang ulan hangga't hindi tumigil sa pag-iyak si Rain. Tumayo na ako mula sa couch at inayos na ang aking uniporme. "Come on, guys. We're going to be late for our afternoon class," sabi ko kina Mary at Clyde. Mary nodded and she got her bag. Kinuha ko na rin ang bag ko at ganoon din ang ginawa ni Clyde. Lumabas na kami ng dorm at ni-lock ni Mary ang pinto. I summoned my crystal barrier around the three of us and then we started to walk under the rain. I heard the raindrops falling on my crystal barrier and I really liked the sound of it. It is music to my ears. "Ang sarap pakinggan ng ulan," mahinang sabi ni Mary habang tumitingin sa paligid. "Masarap pa sa ngayon but wait till this rain gets heavy and hard," sabi naman ni Clyde at sa pangalawang pagkakataon ay ngumiwi siya. "True though. Let's just pray na hindi magiging bagyo ang ulan na'to or else magkakaroon talaga ng baha rito," sabi ni Mary. Habang naglalakad kami ay panay ang tingin sa amin ng mga estudyante but I didn't mind them. I've been dealing with this kind of treatment for three years and until now kaya sanay na ako sa mga tingin nila sa'kin at sa section namin. A few minutes later ay nakarating na kami sa main building. "Thank god hindi pa tayo late," I heard Mary say kaya natawa ako ng mahina. "Advance kasi mag-isip si Naeri," Clyde chuckled habang naglalakad. Maya maya ay nakarating na kaming tatlo sa classroom at nadatnan namin ang iba na abala sa kanilang mga ginagawa. I dropped my bag on my seat nang napansin ko ang upuan ni Miyo. Miyo's seat was still empty and the burn marks from her fire was still there. I sighed when I realized na hindi pa pala namin napalitan ang upuan ni Miyo. "We couldn't find a new seat for Miyo," I heard a voice say. Lumingon ako at nakita ko si Hunter na nakasandal sa pader ng classroom at nakatingin din siya sa upuan ni Miyo. "Nagpunta ba rito si principal MJ? Have you heard about Miyo's condition?" tanong ko sakaniya. Umiling si Hunter. "Wala pa kaming narinig mula kay principal MJ tungkol sa kondisyon ni Miyo," sabi niya at pinagtagpo niya ang kaniyang mga braso. "I hope she's okay," mahinang sabi ko at bumuntong hinga. "She's going to be okay," sabi ni Hunter at ngumiti. "Nga pala, kamusta na sina Sean?" tanong niya. Nag-aalala akong tumingin sakanya. "Sean's having a hard time breathing and Rain is still in pain. Daryl's sleeping fine, for now, I think?" I shrugged. "I actually don't understand why the three of them are in a condition that they are in right now. It doesn't make sense na bigla nalang sumakit ang mga dibdib nila tapos bigla nalang silang nagkakasakit ng ganon," naguguluhan na sabi ni Hunter sa'kin. "Baka nag-over fatigue sila dahil sa last mission natin," sabi ko at nagkibit balikat ulit. Hunter scoffed in disbelief. "Naeri, you know that they're not weak. Well frankly, our last mission at Gaea' shrine was life threatening ngunit hindi sila nagkakasakit ng ganoon kadali," seryosong sabi niya. I was about to talk when the door of our classroom suddenly opened. I looked at Hunter and he just shrugged and then took a seat next to me. Binalik ko ang tingin ko sa harap and I saw that it was Prof Zen who entered the classroom at may kasama siyang tatlong babae. "Good afternoon, section Naryena," bati ni Prof Zen and we all stood up simultaneously. "Good afternoon, Prof Zen," we greeted her back. My eyes never left the three unfamiliar faces. Who are they and what are they doing here in our classroom? "Please sit down." After Prof Zen said that ay umupo na kaming lahat. "Today, this class is going to have three new students," panimulang ni Prof Zen kaya tumaas ang isang kilay ko. Did she just say new students? "These three students here beside me are from section Verwick. Since their classroom was burned along with the other classrooms on the east wing, dito muna silang tatlo until the end of the semester or until maitayo na ulit ang east wing," paliwanag ni Prof Zen. Tumingin si Prof Zen sa tatlong estudyante and she gave them a nod. Ah, so sila ang mga temporary classmates namin. "I'm Ella and I'm a shield fairy," pakilala ng unang babae. She had a straight hair that reached until her shoulders and she had a body similar to Jade. She had this proud smile on her face and her head was held high. I can sense that this girl is something. "Hi! My name's Jewel and I'm a rose fairy," said the second girl. She had a short wavy hair and white skin. She was taller than Ella, the first girl, and she had more muscles compared to Ella. Mukhang mabait ang isang ito. I looked at the third girl at hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kakaibang pakiramdam mula sakaniya. Her eyes were cold and it seems like she was glaring at us. I heard Hunter shift on his seat beside me and then I heard him whisper from beside me. "The third girl's different," bulong ni Hunter sa'kin. Tumango ako. "I agree." "I can feel an odd aura from her," mahinang sabi ni Clyde na ngayon ay nasa tabi ko na. Nasa gitna na tuloy ako nina Clyde at Hunter. Ba't hindi ko napansin na lumipat pala si Clyde ng upuan? Just forget about it Naeri. "Really? Is it bad?" I whispered to Clyde. Kumunot ang noo ni Clyde bago siya nagsalita, "I don't know," naguguluhan niyang sabi. Matapos sabihin iyon ni Clyde ay binalik na naming tatlo ang aming atensyon sa harap. The classroom was still silent and we were waiting for the third girl to speak. Until she cleared her throat. "I'm Stella and I am a sword fairy," walang emosyon na sabi ng pangatlong babae. A sword fairy? So she's a fairy that can summon different kinds of swords. How cool and scary. "Thank you for introducing yourselves ladies. Now, you can take the vacant seats and I shall take my leave now," sabi ni Prof Zen at ngumiti siya sa aming lahat at saka umalis na. My eyes are still following the sword fairy when Stella suddenly looked at me kaya nagulat ako. "Staring is rude, you know?" sabi ni Stella sa'kin at umupo na sa upuan na nasa gilid ng bintana hindi kalayuan mula sa'kin. "I'm sorry," diretsong sabi ko kay Stella at inayos ko ang salamin ko. Well that was embarassing. "I'm sorry but that seat is taken. You can't just own it just like that," I heard Hunter say kaya napalingon ako sa likod ko. "Then the owner should get a new seat cause I am sitting here," the voice said. The first girl, If I'm not mistaken that her name is Ella, took the seat and she sat there with a proud smile on her face. I raised a brow when I recognized the seat that she took. Ella was sitting on Miyo's seat. I saw how Hunter's face darkened and his glare did not escape my eyes. Even Kris and Jade were glaring at her. Alia and Van's glare did not escaped my eyes too. Well, she can't just sit on someone's seat just like that. She should know how to respect someone's property dahil hindi ito classroom nila. "Tch, such a spoiled brat," I heard Stella say kaya tumingin ulit ako sakaniya. Mukhang may problema rin si Stella kay Ella. "Ella may isang upuan pa rito. Huwag kang umupo sa upuan na may nagmamay-ari na," sabi ni Jewel, the second girl. "But I like it here so dito na ako uupo at wala na kayong magagawa dahil hindi niyo na ako mapipigilan," Ella said while smirking at us. "Ella baka nakakalimutan mo na hindi tayo permanente na mananatili dito," malamig na sabi ni Stella. I eyed Stella again. There's really something in her that's making me curious. "And so? I don't care," Ella said and then shrugged. Tahimik ko lang silang tatlo na pinagmasdan. I don't know but something inside me is telling me to observe the three of them. Para kasing may kakaiba sakanilang tatlo eh. "Move Ella or you'll regret it later," Stella's voice was low and full of warning. Stella's voice gave me the chills. The authority of her voice was almost similar to Jared's. "Oh Stella, you can't scare me with that voice of yours. This section is considered as the bottom class of this academy. They're low life peasants who are weak and they wouldn't care kung dito ako uupo," sabi ni Ella habang nakangisi. Nagsimulang kumulo ang dugo ko nang sinabi iyon ni Ella. Tch, calm down Naeri dahil hindi alam ng Ella na yon ang katotohanan. "Besides, if they're going to fight me, ako pa rin naman ang mananalo kasi mas malakas pa ako sakanilang lahat," dagdag ni Ella. And then something inside me snapped. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakakita ko kung paano kinuyom ni Jared ang mga kamay niya. Kanina ko pa napapansin si Jared na tahimik lang sa kaniyang upuan but I guess hindi na niya napigilan ang mga emosyon niya kagaya ko. "Bahala ka," was all Stella said and then she sat on her seat like nothing had happened. I felt the atmosphere inside our classroom thickened and Ella seems to notice it too kasi nakita ko na hindi siya mapalagay sa upuan niya or should I say, sa upuan ni Miyo. The lights started to flicker and the trees outside began to sway aggressively. Ella stood up from Miyo's seat at dali-dali siyang lumipat sa tabi ni Jewel. I smirked secretly. Oh? Mukhang successful ang ginawa nilang playback ah. "Great job guys. You just scared little miss conceited," I said in my mind and later ay narinig ko na ang mga boses nila sa isip ko. "That's her karma! Sa dami ng mga bakanteng upuan dito sa loob ay ang upuan pa talaga ni Miyo ang pinili niya," Jade said back. "She's a spoiled brat," Jared said inside my mind. "I agree," Kris entered. "I think Hunter just made her piss on her skirt," Clyde said and then he started to giggle like a lunatic. "Clyde that's too much! Gross!" sabi naman ni Diana. "Hey! All I did was scare her using the trees! I did not make her piss!" Hunter suddenly spoke inside my mind. "Well if Daryl was here, I bet he'll really make little miss conceited piss," and I heard Clyde laugh. "Boss Daryl for the win!" sabay na sabi nina Uriel at Carter. "Tigilan na nga natin to. Baka maghinala na si madame Ella na tayo ang gumawa ng nangyari kanina," Jared said with sarcasm. "Yes boss!" We all answered through our heads and the chat had been cut off. Lumingon ako sa mga kaibigan ko at nagkatinginan kaming lahat. Hunter tried his best to hold in his laugh at ganoon rin si Clyde. Carter was already snickering silently on his seat and so was Uriel. Gosh, these guys—I am so speechless right now. Kapag kalokohan na talaga ang pag-uusapan, game na game talaga sila. Our class ended in a blur and it was already time for us to head back to our dorm. Speaking of dorm, kamusta na kaya sina Rain? "Sinong maglilinis ngayon ng classroom?" Tanong ni Mary sa aming lahat. "Today's Wednesday right? Then ako, si Naeri at si Kris and maglilinis," sabi ni Jade kay Mary. Oh? Ako pala ang maglilinis ng classroom ngayon? Hay, nakakalimutan ko na ang classroom chores ko. "Bakit kayo pa ang maglilinis ng classroom niyo? Why not hire goblin janitors to clean your classroom?—Oh! I forgot na hindi niyo pala afford ang mag-hire ng goblin janitors," biglang sabi ni Ella na ngayon ay abala sa pag-aayos ng bag niya. "Poor you," dagdag niya and she laughed at us and then walked out of our classroom like some brat queen. Seriously, this girl. "Aish! Ang hangin talaga ng babaeng yon!" I heard Jade say. "Bakit ba ganon siya sa'tin? Wala naman tayong ginawang masama sakaniya," sabi ni Diana. "Seriously, kanina ko pa siya gustong sabunutan," sabi naman ni Alia at tinadyakan niya ang upuan niya dahil sa inis. "Okay sis, chill ka lang diyan," sabi ni Neon kay Alia at tumawa ng mahina. "I'm sorry for Ella's attitude. Ganoon na talaga siya since we became classmates," sabi ni Stella sa amin. "Oh don't apologize for her Stella. Wala kang ginawa na masama," sabi ko kay Stella "I'm Naeri nga pala and sorry for staring at you earlier. Ganoon talaga ako sa mga bago kong classmates," dagdag ko at nahihiya akong ngumiti sakaniya. Ganito na talaga ako. Sa tuwing may bagong tao akong nakikilala ay titingnan ko talaga sila. "It's fine," nakangiting sabi ni Stella sa'kin. "Naeri's right, Stella. Wala kang kasalanan kaya huwag kang humingi ng tawad. I'm Jade by the way," sabi ni Jade at ngumiti. "Hindi naman pala kayo masama gaya ng mga sinabi nila," I heard Stella say. "Why? What did they say about us?" tanong ni Nilus kay Stella. "My classmates often say na masama raw ang mga ugali niyo, mga pabigat raw kayo tapos mga mahihina rin daw kayo pero ngayon na nakilala ko na kayong lahat sa personal ay nakita ko nagkakamali silang lahat sa mga sinasabi nila tungkol sainyo," sabi ni Stella. "Tama nga si Jost. Ang bait niyo nga talaga," dagdag ni Stella at ngumiti. "Muntik ko ng makalimutan na galing nga pala sa Verwick si Jost," rinig kong sabi ni Cally. "Anyways, hindi na ako magtatagal kasi baka hinahanap na ako sa dorm namin. See you tomorrow guys!" Nakangiting sabi ni Stella at lumabas na siya ng classroom namin. "Mabuti pa si Stella, scary sa una but nice pagdating sa end. Why is Ella so maldita to us?" tanong ni Neon na ngayon ay nakaupo na sa teacher's table. "Hoy bakla! Gusto mo yatang mapagalitan ah. Kapag nakita ka ng principal na nakaupo diyan, sigurado akong mapaparusahan ka talaga," pananakot ni Uriel kay Neon. "Fine! Fine! Aalis na! Geez," sabi ni Neon and he rolled his eyes. Kumuha na ako ng walis at nagsimula nang maglinis at ganoon rin sina Jade at Kris. "Nga pala, nasaan sina Hiro at Jared?" I heard Jade asked. "Nauna na yata sa dorm. I heard na titingnan daw nila ang kalagayan nina Sean. Kasama nga nila sina Mary at Diana," sabi ni Nilus habang nag-aayos ng bag niya. "Una na kami sainyo guys ah," paalam nina Clyde at Carter at umalis na sila ng classroom. "See you sa dorm!" Pahabol nina Nilus at Uriel at sumunod na kina Clyde. Kaming tatlo nalang nina Kris at Jade ang natira sa classroom. "Kamusta na kaya si Miyo?" I heard Kris ask. "Si Principal MJ talaga, ang hilig niyang maglihim," Jade pouted at umupo sa sahig. "Oy Jade! Huwag kang umupo diyan! Madumi ang sahig," sabi ni Kris sakaniya kaya tumayo nalang ulit si Jade. Bakit ba siya umupo kung tatayo rin naman siya ulit? Tahimik lang kaming tatlo na naglilinis nang biglang tumigil si Kris nakita ko kung paano binalot ng puting ilaw ang kaniyang mga kamay and then her bow and arrow appeared. Magtatanong sana ako sakaniya nang naunahan na ako ni Kris. "Someone's coming!" kaagad na sabi ni Kris and then she aimed her arrow at the door of our classroom. Kaagad akong tumabi kay Kris at ganoon rin si Jade. Kaagad akong naghanda ng spell at itinaas ko na ang mga kamay ko. Maya maya ay nakarinig ako ng mga mabibigat na yapak ng mga paa na umaalingawngaw sa buong lugar. Tumatakbo ito papunta rito sa silid namin kaya mas naging alerto pa kami. "Guys!—" "Halt!" "Whoa!" sigaw ni Jost dahil sa gulat. "Jost! Ikaw lang pala! Gosh! Akala ko na kung sino!" gulat na sabi ni Kris and in an instant her bow and arrow vanished from her hands. I placed down my hands at binura na ang spell. "Akala ko papatayin niyo na ako!" nakahawak na ngayon sa kaniyang dibdib si Jost at hinahabol niya ang kaniyang hininga. "Bakit nandito ka Jost? Tapos na ba ang training niyo?" tanong ni Jade habang nagligpit ng mga walis namin. "Hindi pa tapos ang training namin," sabi ni Jost sa amin. "Bakit ka nandito?" tanong ko kay Jost. "I am looking for Mary. Nandito ba siya?" he asked, urgency was present in his voice. "Nakauwi na sa dorm si Mary. Kami nalang ang nandito kasi naglilinis pa kami," sagot ko kay Jost and I saw how his face turned pale. "s**t!" mura ni Jost at ginulo niya ang buhok niya dahil sa inis. "Bakit Jost? May problema ba?" Kris asked worriedly. "Yes! There's a big problem!" kinakabahan na sabi ni Jost. Wala akong sinayang na oras at mabilis akong lumapit kay Jost at hinawakan ko ang mga balikat niya. "Tell me what's the problem Jost. Maybe we can help you," seryosong sabi ko sakaniya. Sandaling pumikit si Jost and I saw that he was calming down but his breath was still shaky at hindi pa rin siya mapalagay sa kinatatayuan niya. The problem must be really big and serious. "T-There's something wrong with Aya," seryosong sabi ni Jost sa amin. "Nasaan ngayon si Aya?" agad na tanong ni Kris. "Nasa training room namin si Aya. Come on, we need to hurry or something bad might happen," nagmamadaling sabi ni Jost kaya wala kaagad kaming sinayang na oras. We immediately got out of the classroom and locked it at saka sumunod na kay Jost. We we're running through the empty corridors of the school. It was six in the evening and it was already dark. Our footsteps were the only sound that echoed throughout the whole place. Nakarating na kami sa training room ng mga scouts at kaagad na binuksan ni Jost ang pinto. "Jost you're—Bakit hindi mo kasama si Mary?!" iyon ang bungad ni Angel sa amin nang nakapasok na kaming lahat ng training room. I heard Jost lock the doors before us bago niya sinagot si Angel. "Nakauwi na si Mary at sila nalang ang nadatnan ko sa classroom," paliwanag ni Jost. "Ano'ng nangyari kay Aya, Angel?" Kris asked nang nakalapit na siya kay Angel. "I don't know Kris. Biglaan kasi ang mga nangyayari. First we were just training and then Aya happened," I heard Angel say. Pinagmasdan ko ang buong training room ng mga scouts at nakita ko ang mga nagkalat na gamit nila at mga sirang bintana. It was like a storm had entered inside the room. Hindi rin nakaligtas mula sa mga mata ko ang mga cracks ng pader at ang ilang mga nasirang ilaw. "What happened here?" I whispered in confusion. "This is a huge mess," I heard Jade say beside me. "Aya did all of this mess," sabi ng isang boses. "Aya?" Lumingon ako kay Carl na ngayon ay may mga sugat sa kaniyang katawan. "Oh my god! Carl ano'ng nangyari sayo?!" tumaas ang boses ni Jade at kaagad niyang nilapitan si Carl. "Nag-training lang kami kanina when Aya suddenly collapsed at biglang yumanig ang buong training room. I almost got hit by the falling lights at buti nalang ay nakaiwas ako kaagad," paliwanag ni Carl while looking at his wounds. "Biglang yumanig ang buong training room? Why would Aya—" I was cut off when Carl suddenly placed a hand on my mouth and he shushed my desperately. "Huwag kayong gumawa ng ingay!" sabi ni Jost sa aming lahat kaya mas lalo pa akong nagtaka. "Bakit?! Ano na ang nangyayari?!" Hindi ko na napigilan ang magtanong. "Mamaya na ang tanong! For now, we need to hide!" nagmamadaling sabi ni Angel at kaagad akong hinila ni Carl papaalis. We all ran towards the door. Magtatanong na sana ako nang biglang yumanig ang buong training room. Napakapit kaagad ako sa doorknob ng pinto at ganoon din ang ginawa ng iba. "s**t! This is f*****g bad!" I heard Mark hissed under his breath. "INFERNO!" Tumayo ang mga balahibo ko nang narinig ko ang sigaw na iyon. Tumingin ako sa kabilang exit door ng training room. Nanggagaling doon ang sigaw at hanggang ngayon ay sumisigaw pa rin ang tao. Tila galing sa ilalim ng lupa ang boses dahil sa lalim nito at parang may kasama pa itong isa pang boses na sumasabay sa unang boses. "INFERNO!" Pumikit ako upang pigilan ang sarili ko na huwag gumawa ng anumang ingay. From the corner of my eye, nakita ko sina Angel at Jade na tinatakpan ang kanilang mga tenga. Mukhang hindi nila nagugustuhan ang mga naririnig nila ngayon. The voice was just too creepy. "INFERNO!" Maya maya ay tumigil na sa pagyanig ang buong training room. Namayani sa aming lahat ang nakakabinging katahimikan and I gulped while staring at the other exit door. Someone's out there, I am sure of it. Nagulat ako nang biglang bumukas ang exit door at gumulat sa aming lahat ang isang malakas na hangin na nagmumula roon. Tinangay nito ang ilang nagkalat na gamit at pati kami at tinatangay na rin ng malakas na hangin. "s**t! s**t! s**t!" kinakabahan na sigaw ni Carl sa gitna ng ingay. "INFERNO!" sigaw ulit ng boses. A silhouette came out from the door at doon ko nakita si Aya. Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa gulat. This is—s**t! This is madness! "...INFERNO!" muling sigaw ni Aya at napatingin siya rito sa amin. I stopped breathing when I saw Aya's eyes. Puti ito lahat at nanlilisik itong nakatingin sa amin. Ang buhok ni Aya ay magulong-magulo at ang kaniyang damit ay gusot na. May mga sugat rin siya sa kaniyang buong katawan at halatang presko pa ito dahil sa mga dugo na lumalabas mula roon. "...when the day comes that the Forsaken returns, the Navire shall bring forth an age of sin and a destruction of power!" The floor where Aya stood suddenly cracked and the training room shook again. Cripes! This really is a big problem! "She's been saying that phrase kanina pa!" rinig kong sabi ni Angel. "Aya keeps on saying the word Inferno and that phrase like a broken recorder!" dagdag ni Mark. "...when the day comes that the Forsaken returns, the Navire shall bring forth an age of sin and a destruction of power, INFERNO!" sigaw ulit ni Aya at nasundan ito ng isang nakakatakot na halakhak, isang halakhak ng nakakatakot na halimaw. "She's scary!" takot na takot na sigaw ni Jade. "Aya!" biglang sigaw ni Carl at nakita naming lahat kung paano bumagsak ang katawan ni Aya sa sahig. Kaagad naming nilapitan si Aya and Kris placed a hand on her forehead. "Mataas ang temperatura niya! Kailangan natin siyang dalhin sa infirmary!" ani Kris sa aming lahat. "But what if she goes crazy again?!" kinakabahan na tanong ni Mark. "Then we'll stop her," determinadong sabi ni Jost. "Come on guys. Dalhin na natin si Aya sa infirmary bago pa siya maubusan ng dugo," pinal na sabi ni Angel at kaagad na binuhat ni Mark si Aya since siya naman ang may lakas na buhatin si Aya. "Punta lang kayo sa dorm if you need help okay? We're always here to help you guys," sabi ni Kris at tumango si Angel. "Thanks Kris." Niyakap ni Angel si Kris. "Tara na guys. Baka hinahanap na tayo ngayon nina Jared," sabi ko sakanila. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mga nakita ko kanina. It was creepy and it sparked my interest. "See you guys tomorrow," paalam namin sa mga scouts and then we took our exit. "Ano sa tingin niyo ang nangyayari kay Aya?" tanong ni Jade sa amin. "I don't know Jade. Maski ako ay wala ring alam," sabi ni Kris at bumuntong hinga. Diretso lang ang tingin ko habang naglalakad. Something inside me is telling me to find out what's happening to Aya. Pakiramdam ko ay nakita ko na ang pangyayari na iyon ngunit hindi ko matandaan kung ano at saan. My witch senses seems to be lost and confused. "Naeri ang lalim ng iniisip mo ah. Mukhang may alam ka sa mga nangyayari kay Aya," sabi ni Jade sa'kin. Ako may alam? Umiling ako kay Jade. "Kagaya niyo ay wala rin akong alam," sabi ko sakanila. "But I'm still going to find it out," dagdag ko. Yeah, I'm really going to find it out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD