“For you,” inabot ni Zinc ang supot kay Dayana na naglalaman ng pagkain na binili niya sa labas, “and for me.” Habang sinisimulan ang kanilang pagkain, patuloy lang silang nagmamasid sa nangyayari sa labas habang lumalalim ang gabi. Sakay sila ng kotse ni Zinc at nasa subdivision sila sa tapat ng bahay ni Cecily Fortun. Lingid sa kaalaman ni Kegan na bumalik ang dalawa sa crime scene. “Wala namang nangyayari,” mula kahapon hanggang sa puntong iyon ay hindi pa rin nakikita ni Dayana na bumalik ang kotse ni Martin Fortun sa garahe. “I bet hindi na babalik yung kumag na iyon dahil may iba na siyang uuwian,” sambit ni Zinc nang matapos isubo ang fries. “Isang oras na lang. Kapag walang nangyari matapos ang isang oras, uuwi na tayo,” parehong umikot ang mga ulo nila sa orasan ng cellphone n

