“Zinc?” tinawid na ni Dayana ang espasyo sa pagitan nila ni Zinc, “anong ginagawa mo rito?” “I’m on vacation and I decided na---” natigil siya nang mula sa laboratory ay lumabas si Agnes. “Yung autograph ko mamaya ah!” sa itsura nilang dalawa ay mukhang nagkakilala na si Agnes at Zinc kanina, ang teorya ni Dayana. “So anong balita, anong nalaman mo?” “Tara sa lab,” sumunod si Dayana kay Kegan at dahil naiwan kaya walang nagawa si Zinc kundi makinig sa usapan. Iba’t ibang gamit ang nakita ni Dayana sa laboratoryong ito. Microscope, mga babasaging flask, stirring rod, petri dishes, may mga bote rin na naglalaman ng mga klase ng kemikal. Nang humarap si Agnes sa kanilang tatlo ay may hawak siyang tig-isang capsule sa magkabilang kamay niya. Sa kanan, ang kapsula ay may kulay na blue-gre

