Sa sumunod na araw ay isinakatuparan ni Zinc ang kanyang pangako kay Dayana. Pumunta sila sa puntod ni Luna at nag-alay ng bulaklak. “Parehong-pareho kayo ng level of optimism,” sabi ni Zinc habang tinititigan ang pangalan ni Luna sa sariling lapida. “Sigurado akong matutuwa ako kung nagkakilala kami---” Humarap si Zinc kay Dayana na nasurpresa sa biglaang pagharap nito sa kanya. “Teka… kung totoo ang mga fairy… totoo rin ba ang mga anghel?” “Uh, oo?” “Totoo ang heaven and hell?” “Er --- medyo komplikado kung ipapaliwanag ko tsaka isa pa hindi kami pinapayagan na ipagsabi ang mga ganyang impormasyon sa isang tao, Zinc…” “At bakit?” “Maaapektuhan nito ang pamumuhay mo sa Earth at hindi ko nais na mangyari sayo ang ganon,” umiwas si Dayana ng tingin. “I can’t understand… why am I ge

