“Here, drink this…” inabot ni Zinc ang baso ng tubig kay Dayana. Nasa sala sila ng condo ni Zinc at abala ito sa pagpapakalma kay Dayana. Inabot ni Dayana ang baso at saka ininom. Ilang minuto matapos ang nasaksihang kamatayan ni Ansel ay nakatulala pa rin ito. Batid niyang tumatakbo na muli ang palabas sa telebisyon at walang sira ang elevator. Napansin niya ito nang tulungan siya ni Zinc na tumayo mula sa pagkakaupo nito sa sahig ng hallway sa labas. “Ano bang nangyari? Bakit umiiyak ka sa hallway, Dayana?” Nang kumalma ay tsaka ito nagsimula. “S-si Ansel… nakita ko siya, Zinc…” “Sinong Ansel?” nakaluhod na si Zinc sa harapan niya para mas madali silang makapag-usap. “K-kaibigan ko sa F-fantanavia…” “Kaibigan mo? Paano siya nakarating dito…” kinagat niya agad ang labi nang mapagtan

