Lumabas si Dayana ng kwarto. “Oh! Ang aga mo!” “Magandang umaga,” bati niya kay Zinc na nasa kusina. May ilang pagkain nang nakahain sa lamesa. “Nagluto ka?” Tumango si Zinc, “hindi ko pwedeng iasa sayo ang pagluluto tsaka isa pa late ka na nagising.” “Uh, pasensiya na…” “Anyway, hindi ka naman siguro aalis ngayon ‘no? Day off mo ng linggo sa Bean in Book, right?” “Bakit?” “May pupuntahan ako pero saglit lang naman.” Naupo si Dayana sa upuan at nagsimulang kumain. “Hindi mo ba itatanong kung saan ako pupunta?” Umiling ito, “hindi.” “Really? Hindi ka interested? Pwede ko namang sabihin sayo kung saan ako pupunta o kung sino ang kasama ko---” “Ayos lang, Zinc. Kumain ka na at baka mahuli ka sa pupuntahan mo.” Hindi na tinangka pang magsalita ni Zinc ng tungkol sa detalye ng pag

