Unang araw ni Dayana sa trabaho bilang waitress nang makabalik siya sa mundo ng mga tao. Hinatid siya ni Zinc kaninang umaga bago ito pumunta sa kanyang trabaho na ayaw muna niyang ipaalam kay Dayana. “Dayana, ito para doon sa lalaking nakasuot ng sombrero,” turo ni Morgan sa Cappuccino. Dinala ni Dayana ang inumin sa lalaking nasa sulok, nakasuot ito ng brown na cloak, itim na ascot hat at balmoral boots. Nakatulala lamang ito bago siya lapitan ng waitress. “Ito na po ang order niyo,” nilapag niya ang tray na may nakapatong na Cappuccino at tissue sa tabi nito. Nang walang kibo ang lalaki ay marahan siyang tinapik ni Dayana. “Sir?” Nang hindi pa rin siya nito naririnig ay umupo na siya sa bakanteng upuan sa harap nito. “What’s your name?” sa pagkakataong ito ay si Dayana pa ang nag

