Kabanata 32

1362 Words

“She got stabbed first.” “Right, detective ka nga,” nang umupo si Kegan ay nasilayan ni Agnes si Dayana dahilan para tumayong muli si Kegan. “Agnes, ito si Dayana, uh, friend ko. Dayana, si Agnes yung forensic scientist namin.” Kumaway si Agnes kay Dayana at ngumiti. “Ngayon ka lang nagdala ng friend sa trabaho ah?” “Ewan ko sayo. Anyway, sabi sa papers may asawa si Ms. Cecily? May isang kotse pero walang laman ang garahe noong pumasok kami.” Napa-buntong hininga si Agnes, “umalis daw yung asawa ni Ms. Cecily dala yung sasakyan niya.” “May witness ba?” bilang sagot ay tinuro ni Agnes ang babaeng nakaupo sa dining table. Nanginginig ito at nakatulala sa katawan ng biktima, ang hawak niyang panyo ang patunay na kakatapos niya lang umiyak. “Janet Lores?” umangat ang mukha ng tinawag.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD