Hera Isabella Diamante
“Ayyy!”
Nanlamig ako nang mabitawan ang hawak kong plato dahilan para mabasag iyon sa sahig.
Agad akong napatingin sa may pinto kung may biglang papasok at mahuli ako. Wala namang tao dito sa kusina. Agad akong lumuhod para pulot-in sana ang nagkalat na bubog pero hindi ko pa nahahawakan ay nakarinig na ako ng yabag papunta dito.
Agad akong kinabahan at parang tatakasan ng dugo nang mapagsino ang biglang lumitaw sa kusina.
“Nay!” Nahihintakutan na sabi ko sabay tayo.
“Punyeta ka talagang bata ka! Perwisyo kang hayop ka!”
“Nay, sorry po biglang dumu—”
“Inuna mo na naman kasi ang katangahan mo! Gaga ka talaga!” Agad putol ni nanay sa sasabihin ko. Nagmamadali siyang naglakad papalapit sa akin. “Paano kung ikaltas sa sahod natin ang binasag mo—”
“Divine, Ano na naman ‘yan?” Biglang pasok ng mayordoma na si Nanay Choleng kaya natigilan si Nanay at hindi na tuluyang nakalapit sa akin. Ilang hakbang na lang ang lapit namin.
Hinanda ko na ang sarili sa kung anong masasakit na salita na maririnig kay Nanay. ‘Wag lang sana akong maiyak na naman kagaya kahapon na napahiya ako sa lahat ng tao na nakarinig nang mga sermon na maraming mura mula sa nanay ko.
“Nay Choleng pasensya na… nakabasag kasi ng plato ‘tong si Hera.” Bahagyang bumaba ang boses ni Nanay sa matanda na katiwala dito sa mansion.
Pero nang binaling ko muli ang tingin kay Nanay ay nanggagalaiti pa ito sa galit dahil sa galaw ng panga nito. Kung hindi dumating si Nanay Choleng ay baka nasabunutan pa nga ako ni Nanay na madalas nitong ginagawa sa akin lalo na ng magkasama pa kami dati sa iisang bahay. Pero ngayon na nasa isang mansion kami bilang mga katulong ay nagpipigil na itong manakit sa harap ng mga kasamahan namin.
“H’wag mo namang sigawan ang anak mo, Divine.” Naawang nagpunta sa kin si Nanay Choleng at ako naman ay tumayo at nagtago sa likod nito.
Ayokong maiyak pero hindi ko mapigilan at tuluyan na tumulo ang luha ko. Mabuti pa ang ibang tao ay pinagtatanggol ako. Pero sarili kong ina ay galit sa akin. Hindi lang basta galit, namumuhi sa akin.
“Kasi naman, Nanay Choleng. Paano kung ikaltas sa amin ang nabasag ng Hera na ‘yan?” Singhal ni Nanay. .
Hindi niya talaga kayang pigilan ni Nanay ang emosyon niya pagdating sa akin. Kaya niyang maging mabait sa lahat ng tao maliban sa akin.
“Hayaan mo na! Hindi ‘yan ikakaltas. Barya lang ang halaga ng plato na ‘yan kay Sir Zeus, kumpara sa sakit na dulot ng salita mo sa anak mo. Habang buhay na pwedeng damdamin ni Hera ang naririnig niya sa’yo!” Halata ang galit sa boses ni Nanay Choleng.
“P-pasensya na po, Nanay Choleng.” Bumaba na ang boses ni Nanay.
Pero duda ako na hindi niya ako bubulyawan kapag kaming dalawa na lang. Baka mamaya ay puntahan niya pa ako sa kwarto ko para lang sabunutan.
“Sige na, Divine. Ako na ang bahala dito na magsabi kay Hera. Ako na ang bahalang magsermon sa kanya.”
Nagbuga pa ng hangin si Nanay at halatang nagtitimpi. Nagtama ang tingin namin at sobrang takot ko dahil sa talim ng tingin nito.
Pero wala naman na nagawa si Nanay at umalis na dito sa kusina kaya naiwan kami ni Nanay Choleng. Nakayuko lang ako at tahimik na humihikbi.
Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Nanay Choleng sa may likod ko at hinihimas ako. Mas lalo akong napa-iyak sa ginawa niya. Awang-awa ako sa sarili ko.
“Tahan na, anak… Baka pagod lang ang nanay mo.” Sambit ng matanda.
Umiiling ako. “Kahit hindi po siya pagod ay lagi siyang galit sa akin.” Sumbong ko.
Nakita ko na lang ang awa sa mukha ni Nanay Choleng. Ilang sandali siyang napatitig sa maamo kong mukha.
“Sige na, Hera, anak… Mag-uutos na lang ako ng ibang magliligpit dito. Magpunta ka muna sa kwarto mo at ayusin ang sarili.”
Kumilos na ako at naglakad. Gustohin ko man na ako ang magligpit ng bubog ay nawalan na rin ako ng lakas na kumilos.
Tama si Nanay Choleng. Habang buhay ng nakatatak sa akin ang masasamang salita na madalas kong marinig sa Nanay ko. Sa edad kong 18 years old ay wala akong maalala na magandang alaala sa piling ni Nanay. Hindi niya ako minahal at kailanman ay hindi kayang mahalin. Ako lang naman ang naging bunga ng masamang bangungot sa buhay niya.
R*pe victim ang Nanay ko sa edad na katorse at ako ang naging bunga no’n. Kaya sa araw araw na ginawa ng Diyos ay kinasusuklaman niya ako dahil ang mukha ko ay araw-araw na nagpapaalala kay nanay ng nakaraan niya na sumira ng buhay niya.
Maganda si Nanay, matangkad, maputi, mala-dyosa raw ang ganda niya. Madalas nga na candidate ng beauty contest sa school at ang dami raw humahanga sa kanya. ‘Yon ang kwento sa akin ng ninang ko na si Ninang Riza, kaibigan ni Nanay. Ngayon ay nababakas pa rin naman kung gaano siya kaganda sa edad niyang 34 years old. ‘Yun nga lang ay sa hirap ng dinanas ni Nanay sa buhay ay kumupas na rin ‘yon.
Nag-iisang anak si Nanay ng lola ko at mataas nga raw ang pangarap ni Lola para kay Nanay… kung hindi lang ako ipinanganak ay malamang na naabot ni Nanay ang lahat ng pangarap niya. Kaso wala, eh. Na-r*pe siya.
Nasalba nga lang si Nanay mula sa su*cide matapos malaman na nagbunga ang panghahalay sa kanya. Naglaslas siya. Ilang buwan ay tulala siya matapos na ma-ospital dulot ng sui*cide attempt niya.
Si Lola naman daw ay nag-suggest na ipalaglag daw ako. Pinigil lang daw ito ng ilang kamag-anak at ni Ninang Riza na bestfriend ni Nanay.
Kulang na nga lang ay si Ninang Riza ang naging Nanay ko. Mas concern pa ito sa akin kesa sa nanay ko na hindi man lang ako kayang bigyan ng pangalan. As in tinatanong na raw kay Nanay ang ipapangalan sa akin pero ayaw raw nito na sumagot. Ni ayaw raw akong hawakan ng sanggol pa lang ako.
Hera Isabella ang pinangalan sa akin ni Ninang Riza. Pati breastfeeding ay pinagkait sa akin ni Nanay. Nang nasa ospital lang niya ako napa-breastfeed lang. Nang iuwi ako ay doon pa nga daw ako pina breastfeed sa kapitbahay nila na bagong panganak din.
Halos si Ninang Riza ang nag-alaga sa akin ng sanggol pa lang ako. Parang naging batang ina tuloy si Ninang sa edad na kinse anyos. Sobrang close kasi nila ni Nanay ko at kapitbahay lang namin siya. May postpartum depression si Nanay at hindi ako kayang alagaan. Nahuli pa nga raw ni Ninang Riza na kinurot ako ng baby pa lang ako.
Hindi na rin nabigyan ng justice ang pagkaka-r*pe kay Nanay. Hindi na siya nagsalita tungkol sa kung sino ang nanghalay sa kanya. Pero may tsismis na anak raw ng gobernador ang gumawa kay Nanay. Ewan ko lang kung totoo.
Hindi ko rin alam kung malalaman ko pa kung sino ang tunay kong ama. Kung sino man siya ay kinamumuhian ko siya. Kung hindi niya ni-r*pe si Nanay ay hindi ako ipapanganak para maranasan na lang ang hirap sa mundo.
Hindi na nakabalik sa pag-aaral si Nanay. Naging labandera siya, tindera sa carinderia at kung ano-ano pang sideline. Hindi niya rin ako pinag-aral dahil hikahos sa buhay. At wala naman talaga siyang concern sa akin.
Si Ninang Riza ang nagmalasakit sa akin. Pinag-aral niya ako mula kinder hanggang elementary. Mas may kaya kasi ang pamilya ni Ninang Riza, tapos nagkaroon pa ito ng magandang trabaho na malaki ang sahod.
Nang highschool ay naka-dalawang taon na lang ako at tuluyan ng naghinto. Hindi na rin ako kayang sustentuhan ni Ninang Riza. Nag-asawa na kasi ito at buntis na. Priority na nito ang magiging anak. Naiintindihan ko naman ‘yon. Karapatan naman ni Ninang Riza na bumuo ng sariling pamilya. Nahihiya na rin ako sa kanya at pakiramdam ko ay pabigat lang ako.
Napilitan na lang si Nanay na isama ako para maging katulong daw sa mansyon kung saan siya nagtatrabaho dalawang taon na.
Sobrang nanibago nga ako nang makasama ko muli si Nanay sa araw-araw. Kasi naman ay nasanay na ako na bihira lang ang uwi niya sa bahay namin. Kapag umuuwi siya ay ni hindi niya nga ako kamustahin kung okay lang ba ako.
Lumaki na lang ako na nang-aamot ng pagmamahal ng ina. Siguro marinig ko lang na sabihin si Nanay na mahal niya ako, pwede na akong mamatay. Sobrang saya ko siguro kapag narinig ko ang matamis na ‘I love you’ ni Nanay. Pero mamamatay na lang yata ako ay hindi ko ‘yon mararanasan.
Nakarating na ako ng kwarto ko na nasa maid’s quarter. Malaking mansyon itong pag-aari raw ni Sir Zeus. Tatlo kaming maid dito, ako, si Ate Ellen at Nanay. Tapos ang mayordoma na si Nanay Choleng. Masaya ako na ka-close ko naman si Ate Ellen na limang taon ang tanda sa akin. Ma-kwento ito at masayahin kaya kapag nakakasama ko ay kahit papaano ay masaya ako.
Meron din na dalawang driver at isang boy na sa ibang quarter naman natutulog at malayo dito sa quarter ng mga babae.
Katabi ng kwarto ko si Nanay. Minsan pumapasok dito sa kwarto ko kapag papagalitan ako. Mamayang gabi, malamang ay kakatok-in ako ni Nanay para lang sermonan.
Sumubsob ako sa kama ko. Doon ko binuhos lahat ng hinanakit dahil pinagalitan na naman ako ni Nanay. Ang tagal ko sa loob ng kwarto. Sinamantala ko na dahil wala pa naman na tumatawag sa akin.
Hanggang sa mahigit 30 minutes na siguro ako na nasa kwarto ng makarinig ng katok. Nang una ay kinabahan pa ako. Pero malumanay lang ang katok kaya sure akong hindi ‘yon si Nanay.
Nang binuksan ko ang pinto ay nakita ko si Ate Ellen na may hawak pang feather duster.
“Okay ka na ba?” Tanong ni Ellen na obviously na nalaman ang nangyari kanina sa kusina.
Mabuti na lang at tila naiiyak ko na kanina ang sama ng loob ko. Tumango na lang ako sa kasamahan ko.
“Kaloka talaga ang Nanay mo, noh? Hayys! Huwag ka nang malungkot, sige ka papangit ka… Sobrang ganda mo pa naman.” Napapailing na sabi na lang ni Ellen.
Hindi naman na ako kumibo. Alam na naman nila ang ugali ng Nanay ko ‘pag dating sa akin.
“Kaya nga pala ako nagpunta dito para turuan ka na ikaw na ang maglilinis sa kwarto ni Sir Zeus simula ngayon. Halika at puntahan na natin sa taas.”
“Oo, Ate Ellen. Kailan ba siya uuwi?” wala sa loob na tanong ko.
“Mamayang gabi siguro? Hindi ko rin alam, eh. Walang binanggit si Nanay Choleng. Nakalimutan ko ngang sabihin sa’yo na ikaw na ang maglinis ng kwarto niya simula ngayon. Kaninang umaga pa nga sinabi sa akin ni Nanay Choleng pero ngayon ko lang naalala. Dapat kanina pa ‘yon nalinisan. Pero hindi pa naman siguro dadating si Sir.” Sambit ni Ate Ellen
“Mabait ba si Sir Zeus, Ate Ellen?” Tanong ko.
Isang linggo pa lang kasi ako dito at hindi na kami nag-abot ni Sir Zeus dito sa mansion para man lang mapakilala ako. Meron raw siyang hacienda at do’n nagpunta ang amo namin.
Hindi naman sumasagot si Ate Ellen sa tanong ko kung mabait si Sir Zeus. Wala naman kasi akong idea. Hindi rin naman ako nagtatanong tungkol sa amo namin.
“Ano, Ate Ellen, mabait si Sir?” Muling tanong ko nang makaakyat na kami sa floor kung nasaan ang room ni Sir Zeus.
“Uhhmm. Ikaw na bahala mag-judge, bhe…”
Kinabahan naman ako sa sagot ni Ate Ellen… Bakit hindi na lang niya sabihin kung oo o hindi.
‘Wag naman sanang terror ang amo namin.