Prologue
“Nay, tama na po! Maawa po kayo sa akin.” Humagulgol ako matapos kong makatikim ng malutong na sampal mula kay Nanay.
Sa ginawa n’ya sa akin ay parang panandalian akong nawalan ng pandinig dahil tumama pa sa mismong tainga ko ang palad n’ya. Nakaluhod ako ngayon habang nakasabog ang buhok sa mukha ko at hawak ang pisngi na sinampal ni Nanay. Sobrang sakit.
“Puch@! Malandi ka! Ang bata bata mo pa nagpabuntis ka na! Wala kang kwenta!” Sigaw ni Nanay habang dinuduro ako.
Alam kong may makakarinig na sa amin at ano mang oras ay may papasok na dito sa kusina. Sa lakas ba naman ng boses ni Nanay. Baka nga akala ay nagpapa *tayan na kami dito sa kusina.
“Nanay sorry po… Hindi ko po sinasadya… Patawarin niyo—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong sinampal na naman. Ngayon ay sa kabilang pisngi naman. Halos mabali ang leeg ko nang maramdaman ang sampal ni Nanay. Hindi pa siya nakuntento at naramdaman ko na nagsimula na siyang sabunutan ako sa buhok.
“Ikaw ang malas sa buhay ko! Kung pwede lang na isangla ang kaluluwa sa demonyo ay ginawa ko na para lang hilingin na mamatay ka na! Sinira mo ang buhay ko! At ngayon ay magdadagdag ka pa ng pasanin ko sa buhay!” Nagwawala na si Nanay.
“Ahhhh! Tama na po, Nay!” Mas lalong humagulgol sa iyak.
Sobrang sakit ng ginagawa niya sa akin. Hindi pa siya nakuntento at nginudngod niya pa ang mukha ko sa sahig. Hinawakan ko ang ulo ko. Nag-iingat ako na baka iumpog niya ako sahig at magdugo ang mukha ko.
“Divine!” Malakas na sigaw ng kung sino.
Ang mayordoma namin ‘yon na si Nanay Choleng.
Naramdaman ko ang pagluwag ng sabunot ni Nanay sa buhok ko. Pero hindi n’ya pa rin binitawan ang buhok ko.
“Bitiwan mo si Hera!” Naririnig kong awat ni Nanay Choleng. Ramdam ko na nakikipagbubuno na si Nanay Choleng para bitawan ako ni Nanay hanggang sa tuluyan nang bumitaw si Nanay.
Hindi ako bumangon. Ayoko pa rin na makita ang galit na galit na mukha ni Nanay na halos gusto na akong pata *yin.
“Bakit mo na naman sinasaktan ang anak mo!?” Basag ang boses ni Nanay Choleng.
Doon ko lang ako naglakas ng loob na bumangon. Nakita ko si Nanay Choleng na parang maiiyak na. Buti pa ang hindi ko kadugo, nakikisimpatya sa akin.
Niyakap ko si Nanay Choleng.
“Divine, maawa ka naman kay Hera.” Sambit ni Nanay Choleng habang niyayapos na ako. Ngayon ay tuloyan nang umiyak ang matanda.
“Paano ako maawa sa batang ‘yan, Nay Choleng? Dise otso anyos pa lang buntis na! Hayop siya!” Gigil na sa sabi ni Nanay.
“B-buntis? Paanong buntis?” Natigilan naman si Nanay Choleng at lumuwag ang pagkakayakap sa akin.
“Oo, Nanay Choleng. Buntis ang Hera na ‘yan!” Sambit ni Nanay.
Inayos ko muna ang nakasabog na buhok sa mukha ko at pinahid ang pisngi ko na basa na ng luha at takot na tumingin kay Nanay.
“Sinong nakabuntis sa’yo!?” Tanong ni Nanay Choleng na hindi naman makapaniwala sa nalaman.
Nanginig ako sa tanong ng mayordoma namin. Bigla akong nag-iwas ng tingin dito at binaling kay Nanay ang tingin.
“Sumagot kang bata ka! Sino ang ama ng hayop na ‘yan!?” Nanlalaki ang mata naman ni Nanay sa galit na tinuturo ang sinapupunan ko.
Dumating na ang kinatatakutan ko… ang matanong kung sino ang nakabuntis sa akin.
“Just keep it a secret! Oras na may nakaalam na nabuntis ko ang isang hampaslupang kagaya mo… ipapa *pa *tay kita!” Biglang dumagundong sa isip ko ang pananakot ng lalaking nakabuntis sa akin.
Walang iba kung hindi ang sarili naming amo dito sa pinagsisilbihan na mansyon. Ang lalaking doble na ng edad ko. Ang 35-year old kong cold billionaire boss na ikakasal na sa iba. Si Sir Zeus Nicolai Cervantes.
Hindi pwedeng malaman ng lahat na nabuntis ako ng sarili kong Boss. Isa lang ang kailangan kong gawin. Isekreto ang tunay na ama ng pinagbubuntis ko.
TITLE [HIS SECRET BABIES]
PLAGIARISM IS A CRIME
© Starywriting
JASS ANNE, 2025
SERIES 1 - I SOLD MY VIR*GI* NITY TO MY RUTHLESS BOSS
SERIES 2 - HIS SECRET BABIES
SERIES 3 - MY RUTHLESS BILLIONAIRE HUSBAND
Warning! Some of the chapters include detailed bed scenes. For those readers who are not comfortable reading v*lgar words and explicit content, you may skip the chapters with an SPG warning.
The characters and events depicted in this story are fictitious. Any similarity to actual persons, living or dead, is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME. ORIGINAL NOVEL BY JASS ANNE, EXCLUSIVE ON DREAME AND YUGTO.
**