Hera Isabella Diamante “Bingi ka ba!?” Muling sigaw ni Sir Zeus. “Don’t waste my time! Sumakay ka sa kotse ko!” Napatingin muna ako sa paligid at wala naman na tao sa malapit sa akin. Kung meron ay nakikita kong may ilang residente na nagjo-jogging na malayo sa akin. At least ay walang nakakarinig na sinisigawan ako ng amo ko. Pinilit kong maging kalmado at lumapit sa sasakyan ni Sir Zeus. Agad kong binuksan ang pinto ng backseat ng sasakyan niya at sumakay do’n. “Are you stupid!?” Nabigla ako nang nilingon ako ni Sir Zeus mula sa pagkakaupo ko dito. “Ako ang amo at ikaw ang katulong ko! Get out and sit beside me!” My God! Kung minamalas ka nga naman. Kahapon ay si Nanay at Ma’am Rebecca ang sumira ng araw ko, ngayon naman ay so Sir Zeus naman! Wala na akong nagawa at lumabas ng kot

