Anna Madrigal “Mama, kailan po natin pupuntahan uli si Papa?” Sandali akong napalingon kay Aiden pero binaling ko din agad ang tingin sa daan dahil nagmamaneho ako. Ayokong mawala ang concentration ko at mapahamak pa kami. Naramdaman ko ang paggalaw ng panga ko dahil mariin ang naging pagkagat ko sa mga ngipin ko. Nagtatagis ang bagang ko sa galit nang maalala lang ang katatapos naming encounter ni Axel. “Anak, baka sa susunod na lang, ha? Biglaan kasi ang pag-alis niya kanina, eh.” Pilit ang ngiting ginawa ko habang sa manibela na lang napahigpit ang kapit dahil sa ginawa kong pagsisinungaling. Heto at kagagaling lang namin sa mansion ng mga Deogracias at mainit ang naging tagpo doon. Bukod sa away nasaksihan ko sa pagitan ni Axel, mommy at lolo nito ay pati ako ay napagbalingan ng

