“Joaquin! Ayoko. Please ‘wag mong gawin ‘yon.” Umiling ako. Nagpatuloy ang daloy ng luha ko. Kulang na lang ay maging gahibla ng buhok ang pagitan ng labi namin sa mas nilapit pa ni Joaquin ang mukha sa akin. Nagdikit na ang tungko ng ilong namin. Bigla kong iniwas ang mukha ko. Akala ko ay sasaktan ako ni Joaquin dahil sa ginawa ko. Pero hindi ko na naramdaman na hinalikan niya ako. Nang muli kong tiningnan si Joaquin ay nakangisi siya sa akin. Pero ngisi ng demonyo ang binibigay niya sa akin. Pinagkrus niya pa ang mga kamay sa dibdib niya. “Kung sino man ang nagalaw na ng kuya ko ay marumi na para sa akin.” Natigilan ako sa sinabi niya. “Like what I told you, Hera… I really like you the first time I saw you. Kahit na anak ka pa ng demonyo mong ama na kinasusuklaman ko. Pero nang

