Axel Marcus Deogracias “Aaminin ko na sa’yo ang lahat. Gusto kong magsimula tayong dalawa na walang nililihim sa isa’t isa.” Nakatitig lang ako sa mukha ni Anna habang sinasabi ‘yon. My wife is really beautiful. Kahit wala akong gawin magdamag at titigan lang siya ay hinding hindi ako magsasawa. D*mn! Mahigit isang buwan akong nagtiis at pinigil ang sarili kong angkinin siya. At nagawa ko ‘yon dahil sa pride ko. Dahil sa galit ko kay Mommy. I don’t care anymore what mother will think. She won. Kahit labis ang galit ko sa desisyon nito na mangialam sa buhay ko ay sinusuko ko na. Hindi ko kayang pahirapan ang asawa ko. Kaninang nakita kong may ibang lalaki na nakadikit sa kanya ay para akong makakapatay sa galit. “Axel, b-baka hinahanap na tayo nila Mom at Lolo…” anas ng asawa ko.

