PUMATAK ang mga luha ni Yoomi sa huling sampung segundo ng music video ng kantang Countdown to Breaking-up ng Violet Rage kung saan umiyak at sumigaw si Jason. Sa buong apat na minuto ng video, halos puro ang likod lang niya ang kinukunan habang hinahabol siya ni Jason. Dalawang beses lang siyang humarap sa camera pero hindi pa rin nakita ang mukha niya dahil 'yong una, nasa likuran niya ang liwanag ng araw kaya silhouette lang siya. 'Yong pangalawa, sinadyang ang nakangiting mga labi lang niya ang ipakita. Pero nang mapanood niya ang buong music video na naka-upload sa YouTube account ng Violet Rage, nakita niyang maganda ang pagkakagawa niyon. Maganda ang mga anggulong nakunan ni Koko. Magaling din ang pagkaka-edit nito ng video. Na-mi-miss na niya ang buong Violet Rage at ang mga ka

