“MAAYOS na ba ang pakiramdam mo?” Matutuwa na sana si Yoomi sa pag-aakalang nag-aalala si Jason sa kanya hanggang sa muli itong magsalita. “Kasi kung oo, puwede na siguro nating pag-usapan ang tungkol sa annulment natin.” Humiga uli siya sa kama. “Masama pa ang pakiramdam ko. Hindi ko pa maiintindihan kung ano ang sinasabi mo.” Nakabalik na siya sa bahay nila, nakahiga sa kama nila at nakaupo sa tabi niya ang asawa niya. Hindi niya hahayaang masira ng usapang-hiwalayan ang kasiyahang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. “Yoomi, kailangan na nating pag-usapan ang tungkol sa annulment natin,” giit pa rin ni Jason. “Ayaw mo ba no’n? Kapag legal na hiwalay na tayo, puwede na kayong magpakasal ng kuya ko.” “Bakit kami magpapakasal?” Kumunot ang noo nito. “Hindi ba’t 'yon naman ang da

