NAGISING si Issa nang may maramdaman siyang mainit at masuyong kamay na humahaplos sa noo niya. Nang imulat niya ang mga mata niya, nakita niya si Samuel na nakaupo sa tabi niya at sinasalat ang noo niya. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Bumangon siya kahit nanghihina ang pakiramdam niya. “Bakit nandito ka pa, darling? 'Di ba dapat nasa party ka na ni Governor?” Naglagay ito ng unan sa likod niya. “I heard you were sick,” sagot nito na ang tinutukoy ay ang unica hija nila. “Kaya hindi na ko tumuloy. I’m worried about you, so I came back home. I want to take care of you.” Napatitig siya kay Samuel. Matagal na itong nasa tabi niya at tinatrato siya ng mabuti. Unti-unti na yata nitong natitibag ang pader na tinayo niya sa puso niya. “Salamat.” Ngumiti lang si Samuel at ipinalupot ang m
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


