HINDI alam ni Yoomi ang iniisip ni Jason habang nasa harap sila ng puntod ni Kiana. Binisita niya ang puntod ng kapatid niyang si Maricel kanina at sinamahan siya ng asawa niya. Pagkatapos ay dinala siya nito sa puntod ni Kiana na nasa loob ng museleo. “Kilala ako ng caretaker museleong ito ng pamilya ni Kiana,” basag ni Jason sa katahimikan nila. “Taon-taon, miserable ako sa tuwing bumibisita ako kay Kiana. Naawa yata sa’kin si Tata Marlon kaya ipinapahiram niya sa’kin ang susi nito, kahit delikado iyon para sa kanya.” Hindi siya nagkomento. “Yoomi...” tila nahihirapang anas ni Jason. “Matagal ko nang gustong sabihin sa’yo ang tungkol kay Kiana. Pero natakot na baka isipin mong ako pa rin 'yong duwag na lalaking tumakbo sa responsibilidad niya noon. Natakot ako na baka hindi mo ko pagk

