NAGSUSULAT si Yoomi sa pahina ng sticky note niya para pakalmahin ang sarili niya. Nagkulong siya sa kuwarto pagkauwi nila ni Jason. Nakaupo lang siya sa kama, may nakapatong na una sa mga hita niya na ginawa niyang mesa habang nagsusulat siya. “The world looks less scary when I’m with you.” Napangiti siya dahil sa sinulat niya. Hindi siya komportableng magsalita sa Ingles dahil nabubulol siya, pero mataas ang kumpiyansa niya sa sarili na tama ang grammar niya. Nasa high school pa lang siya ay mahilig na siyang magsulat ng mga tula at mga maiikling kuwento sa wikang Ingles. Pero dahil naisip niyang hindi siya mabubuhay ng pagsusulat niya, Education ang kinuha niyang kurso tutal ay mahilig din naman siya sa mga bata. Bumalik lang uli ang hilig niya sa paggawa ng maiikling kuwento nang at

