DUMOBLE ang takot ni Yoomi ngayong kasama na niya sa sasakyan si Chess. Nasa tabi ng bayaw niya si Xaver, habang may isa namag mukhang manyak na kanina pa malagkit ang tingin sa kanya sa tabi niya para marahil masiguro ng mga ito na hindi sila makakalabas ng sasakyan. Hindi siya nagsisisigaw o ano dahil alam niyang bale-wala iyon. Isa pa, kapag nagpakita siya ng takot, tiyak na gagawa ng paraan si Chess para makatakas siya, kahit ikapahamak pa nito 'yon. Ayaw niyang may masaktan dahil sa kanya. “Kuya, 'wag niyo nang idamay si Kuya Chess dito,” pakiusap niya sa kapatid niya. Gulat na nilingon siya ni Chess. “Kapatid mo 'tong kriminal na 'to?” Nahihiyang tumango siya. “Hoy, pogi, kung ako sa’yo, iingatan ko 'yang lalabas sa bibig mo kung ayaw mong malintikan sa’kin,” banta ni Xaver kay

