INAASAHAN ni Chess na sa isang lumang warehouse o kaya naman sa pasugalan sila dadalhin ng mga dumukot sa kanila ni Yoomi gaya ng napapanood niya sa mga pelikula. Nasorpresa siya nang sa isang townhouse sila dinala ng mga mandurukot nila. 'Yon nga lang, hindi niya alam kung nasaan sila dahil kanina, tinakpan ni Xaver – ang kapatid ni Yoomi – ng piring ang mga mata nila ng dalaga. Simula nang nalaman nila Xaver na siya ang tagapagmana ng Javier, naging madali nang kausap ang mga ito. Nang sabihin niyang gusto niyang magpalit sila ng puwesto ni Yoomi – para malayo ito sa katabi nitong manyak – bago sila piringan ay mabilis na pumayag si Xaver. Do’n niya nabuo ang kongklusyon na may kailangan sa kanya ang mga taong ito. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na may nagtangkang dumukot sa ka

