“YOU’RE supposed to hate me now. Bakit inaalagaan mo pa rin ako?” Nagpatuloy si pagpunas ng basang bimpo sa leeg ni Chess na mabigat ang paghinga dahil sa lagnat nito. May adjacent bathroom ang kuwartong iyon at do’n niya nakuha ang bimpo na ginagamit niya ngayon. May alcohol din sa cabinet sa loob ng banyo at iyon ang hinalo niya sa tubig kung saan niya binababad ang tuwalya. “Hindi kita puwedeng pabayaan na lang,” sagot niya. “Kahit ano pa ang motibo mo, hindi pa rin maitatangging iniligtas mo ang buhay ko.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Yes, you owe me your life. Kaya kailangan mong sumunod sa kasunduan natin. Hihiwalayan mo si Jason. Magsisimula tayong tatlo sa umpisa. Ang gusto ko, kapag ikinasal ka sa ikalawang pagkakataon, para na sa tamang dahilan, Yoomi.” Marahang binawi niy

