MAGINHAWA na ang pakiramdam ni Chess nang magising siya, hindi tulad kagabi na parang binibiyak ang ulo niya sa sakit. Pagbangon niya ay nakita niya si Yoomi na nakayukyok ang ulo sa gilid ng kama niya. Mukhang binantayan siya nito buong magdamag. Something warm touched his heart. Alam niyang marami siyang masasakit na salitang nasabi kay Yoomi. He really gets mean whenever he feels bad Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ni Yoomi. “I’m sorry, Ponkan Girl.” Naawa siya sa posisyon ni Yoomi kaya tumayo ay binuhat ito. Pagkatapos ay maingat na ibinaba niya ito sa kama. Tinalukbong niya ang comforter sa katawan nito. He wanted her to get warm because she looked cold. Marahang hinawi niya ang buhok na nakatabing sa magandang mukha ni Yoomi. Napangiti siya. Hindi siguro siya magsasawa kung ang

