NAGISING si Yoomi na nakayakap kay Jason. Nakakatawa na hindi na siya nagugulat ngayon kaysa noong unang beses na magising siya sa tabi nito. Komportable na rin siya kahit halos magkakabuhol na ang mga braso at mga binti nila. Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ang guwapong mukha ni Jason. Pinatong niya ang kamay niya sa pisngi nito. Kahit beinte nuebe anyos na ito, mukha pa rin itong nasa early twenties lang nito. Baby faced kasi ang asawa niya. At ngayong iniisip niya, hindi lang basta mukha nito ang mukhang bata. Pati ang pangangatawan nito. Dahan-dahan niyang inalis ang braso ni Jason sa katawan niya at bumangon siya. Kinuha niya ang maliit na notebook at ballpen sa night table sa gilid niya at nagsulat do’n. Napansin niya kasi na walang ginagawang exercise si Jason para

