NAKATULALA si Yoomi sa mga damit na paninda sa tindahan niya. Umalis siya ng bahay ng maagang-maaga at nag-iwan lang siya ng note kay Jason. Ang sabi niya, pupunta siya sa tindahan dahil kailangan niyang kausapin ang supplier ng mga paninda niya. Sinadya niya ring iwan ang cell phone niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga ipinagtapat ni Jason kagabi sa kanya. Hindi ito isa sa mga tagapagmana ng mga Javier dahil nag-iisa lang pala ang magmamana ng lahat ng yaman ng pamilya nito – ang kuya ni Jason. Nagkamali siya ng lalaking pinakasalan. “Pinikot” niya si Jason dahil ang pagkakaalam nila, tagapagmana ito ng mga Javier. Balak niyang gamitin ang pera sana ng binata para bayaran ang tatlong milyong pagkakautang ng kapatid niyang si Xaver. Pero ayon kay Jason, dalawang

