HINDI mapigilan ni Jason ang mapangiti nang kumapit si Yoomi sa mga balikat niya pagbaba nito ng kotse. Nakapiring ang mga mata nito at marahil ay natatakot itong matalisod. “Jason, nasa’n ba tayo?” tila naiinis nang tanong ni Yoomi. Kanina pa ito nagtatanong pero hindi niya ito sinasagot. Kinulong niya ang mukha nito sa mga kamay niya. “Surprise nga, 'di ba? Kaunti na lang, malalaman mo rin kung nasaan tayo.” Pinatong nito ang kamay nito sa kamay niyang nasa pisngi nito. “Ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yo, Jason. Kapag may nakita akong pusa d’yan, maghihiwalay tayo agad-agad.” Tinawanan niya lang ang banta ni Yoomi. Alam niyang takot ito sa pusa kaya hindi niya iisiping biruin ito ng gano’n. Napatingin siya sa kamay ni Yoomi nang kumislap ang suot nitong singsing nang tamaan ng sin

