SINAGOT ni Yoomi ang tawag ni Xaver sa kabila ng takot na nararamdaman niya dahil sa ginawang pambubugbog nito sa kanya. Pero mas gugustuhin na niyang makausap ito sa tawag kaysa naman hanapin pa siya nito. “Yoomi! Mabuti naman at naisipan mo nang sumagot!” malakas na sabi ng kuya niya na hindi niya alam kung galit o natutuwa. Niyakap niya ang sarili niya nang magsimulang manginig sa takot ang katawan niya.. “A-ano na naman ba’ng kailangan mo, Kuya? P-pinaghahanap ka ng mga pulis dahil sa ginawa mo sa’kin kaya hindi mo ko puwedeng lapitan,” banta niya rito. “Alam ko 'yon 'no,” bale-walang sabi nito. “Ikaw naman kasi. Hindi mo sinabi agad sa’kin na may plano na pala kayo ni Issa. Kung sinabi mo sana sa’kin, hindi na kita nasaktan,” tila panunumbat pa nito sa kanya imbis na humingi ng taw

