PROLOGUE
Her POV
"Ciaraaa!!"
Nagulat ako ng may biglang sumigaw at tinatawag ang pangalan ko.
"Po?"
"Diba sabi ko sayo ayusin mo ang paglalaba mo?! Bakit ganto nag iba na ang kulay n'ya? Argh! Wala ka talagang kwentang babae! Wala kang silbe!"
Itinapon niya lahat ng mga damit sa sahig at sinipa niya pa mga ito.
"Ayusin mo ang trabaho mo dito ha! Isa ka lang ampon kaya 'wag kang tatamad-tamad dito! Pesteng araw' to. Umagang-umaga pinapainit mo ulo ko!"
Pagsisisigaw n'ya sa akin at hinagis sa mukha ko ang damit na kinaiinisan n'ya.
Hayst, nasigawan na naman ako ni Tita. Oo, Tita ko nga s'ya. Tita tawag ko sa kanya pero ni minsan 'di ko s' ya natawag na ina, nanay, o mama.
"Araaaaa!!!"
Haynako, itong isa pa, siguro magagalit din ito sakin, hayst ano pa nga ba.
"Ang kapal ng mukha mong landiin ang boyfriend ko? Malandi ka talaga, dati si ama ngayon naman isusunod mo ang boyfriend ko. Walang hiya ka!"
Bigla n'ya akong sinabunutan at wala s'yang kapagod-pagod. Ako naman pinapatigil s'ya pero 'di s'ya nakikinig sa akin.
Bakit ba ganito sila sakin, agad na nagtulo ang mga luha ko. Bakit ganito na lang nila ako saktan, babuyin, at tratuhing basura.
Una si tito na araw-araw akong hinuhubad sa isipan n'ya. Pinapapilit n'ya akong gawin ang ayaw kong gawin. Minsan sinasaktan pa n'ya ako buti nakakatakas ako kapag inuutusan ako ni tita o ni Azeleah.
Si Azeleah ang na nabunot sa akin kanina lang. Alam n'ya yung pagmamaltrato ng kanyang ama sa'kin hanggang sa nag-iisip s'ya ng kung anu-ano.
Si tita naman inuutus-utusan ako araw-araw. Hindi ko alam sa kanila bakit ganto sila sa'kin. Dahil nga ba sa ampon lang ako?
"Malandi ka! Mawala kana sana dito sa bahay. Bakit ba kasi 'di ka pa nila pinapalayas dito! Bwiset ka!"
Patuloy lang siya sa pagsabunot sa akin, ako naman walang magawa.
Sino ba naman ako? Isa lang naman akong ampon, mahina at wala namang nagmamahal sa akin.
"Aray Azeleah, ma-masakit. Please ta-tama na y-an."
Pinipilit kong hindi umiyak nang umiyak.
"Kulang pa ito sa panglalandi mo sa boyfriend kong ahas ka!"
"Pero wala naman akong ginagawa sa boyfriend mo Azeleah, wala akong ginagawa sa kanya."
"Anong wala ha! Ikaw gumagawa ka pa ng kwentong ahas ka! Malandi! Lumayas ka dito ngayon na!!!"
"P-pero Azeleah, wa-wala akong mati-tirhan."
"Wala akong pake kung maging palaboy-laboy ka lang d'yan at maging pulubi kaya lumayas ka dito sa pamamahay namin!"
Sinimulan na nya akong hilahin palabas. Ayaw n'yang maniwala sakin.
Inilabas na n'ya ako sa gate nila at itinulak sa may daanan.
"Azeleah, please maniwala ka sakin oh."
"Ayokong maniwala sa katulad mong malandi!"
Pumasok na s'ya sa loob at isinara ang pintuan ng gate.
Saan naman ako pupunta ngayon? Wala akong alam na mga kamag-anak ko.
Naglakad-lakad na lamang ako dito kung saan man ako mapunta. Wala na ang lahat sakin. Wala na sila, wala akong tahanan at walang pagkain o pera manlang.
Naglakad-lakad lang ako hanggang sa matapos nagtanghali na, dahil sa gutom ay nanghihina na ako. Hindi ko alam basta gusto kong humiga na sa kalsada.
Pagewang-gewang na rin ako kung maglakad. Hanggang sa nawalan na ako ng malay...
His POV
"Miss! Hey Miss!"
"Yong master! Malapit nang umulan, pumasok na po kayo sa loob."
"No, hindi natin siya pwedeng iwan dito."
"Pero yong master hindi natin siya kilala."
"Para siyang pamilyar sa akin."
"Young master, kapag nalaman ito ni madam magagalit siya sa inyo."
"Sasabihin mo ba Manang? Dali at ayusin mo ang kotse."
"Masusunod po."
Sino ka? Bakit parang nagkakilala na tayo noon pa man?
"Ok na po young master."
Agad kong binuhat ang ang babaeng nakita ko na nakahiga na sa kalsada.
Umuulan na rin, hindi pwedeng maiwan siya ng mag-isa. Halata namang hindi siya pulubi.
Matino ang pananamit niya, sakto na para isiping may tahanan ito. Pero bakit nasa kalsada ito at nag-iisa?
Pinaandar ko na ang kotse ko at nagtungo sa mansion kung saan ako naninirahan.
Mga ilang minuto na pang maneho, nakarating na kami ng mansion.
Ipinasok ko agad ang babae sa isang kwarto. Malamang sa pagkagising nito malalaman niyang hindi sa kaniya ito.
"Azeleah, maniwala ka naman...sa...kin." Nananaginip ito at nagsalita habang nakataas ang mga kamay.
Pinatong ko ang kamay ko sa noo nito at tama akong nilalagnat ito.
"Yong master, magbihis na po muna kayo. Naulanan na po kayo yong master. Baka magkasakit pa kayo."
"Manang, pakikuha ng bimpo at tubig, pati na rin gamot at inumin. Idala mo rito at magbibihis lang muna ako."
"Masusunod po young master."
Tinignan ko muna ang kalagayan niya, mahimbing itong natutulog. Iniwan ko na siya at lumabas na ng kwarto, umalis na rin si Manang.
Nagtungo ako sa kwarto ko at agad na nagbihis.
Mukha siyang pamilyar sa akin, hindi kaya dahil sa miss ko na siya at nakikita ko siya sa babaeng 'yon?
Maaari pero ramdam ko sa sarili ko na masaya ako.
Sino kaya siya?