♛Four♛
What worries you, masters you.
–John Locke-
Zayna:
“Parang may palaging nakabuntot sa’yo—isang linggo ko ng napapansin yang naka-shades na nakaitim na jacket..” Puna ni Maya nang makalabas na sila sa malaking gate ng unibersidad.
Hay naku, tatlong linggo ko na ‘atang napapansin yan, Maya!
I was not blind not to notice—he was tailing me for almost three weeks.
Sinisigurado talaga niya na hindi ako tatakas! I won’t.. Oo, hindi!
I guess, kahit anong pagtama ko sa buhay ko—sa lahat ng mga maling ginawa ko para..para mabuhay kami ni nanay.. Kahit bali-baliktarin—hindi magiging tama ang minsan ay naging mali.
Tama naman siya. Until now, his words echoed inside me—haunting me. Pero sino ba siya para pagsabihan ako ng ganun? He doesn’t know me! Mayaman siya—eh, anong alam niya sa buhay-mahirap maliban sa kanyang mababang tingin sa’min?
Wala.. Yet on the contrary, he was right—mali pa rin na nagnakaw ako and worst, mali ang taong nabangga ko!
“Ha? Naku—naghahallucinate ka lang, Aya.. ‘Wag mong pansinin yan! Anong gusto mong kainin—libre kita!”
I had to deviate her from the man who’s eyeing at us. Nasa parking area ito at—ganun pa rin, nakasuot ng itim na jacket, naka-sombrero at naka-shades.
Nakakaduda naman talaga ang taong kinuha niya! At hanggang ngayon—hindi ko alam ang pangalan ng supladong lalakeng yun..
I tried to ask Kyle if he had known him—pero hindi niya kilala ang lalake. Akala nga ni Kyle—I had one night stand dahil nagtanong ako sa pangalan ng lalakeng yun. Oh my Lord—kung alam lang niya! I had only less than two months to live my freedom—paano ko sasabihin sa mga malalapit na kaibigan ko? Na malapit na akong makulong?
“Libre ko na kayo—hi, Zy..” Napalingon ako sa nagsalita sa likod. Si Anton. Hayst! Ilang beses ko na ba ‘tong na-basted? Pero may mga lalake nga talagang ayaw sumuko, huh?
“Libre daw, Zy! Ayee.. So, ano? Uwi na ako, ha? Pakibayaran nalang ang fishball ko—sampung peso lang naman, Anton! Salamat..”
Ayst! Nilakihan ko ang mga mata ko nang sabihin yun ni Maya pagkatapos maibigay ng vendor ang fishball—ayst, hindi na talaga nahiya kay Anton, eh!
“Ah, e—ako na magbabayad sa order ng kaibigan ko kuya.”
Nahihiyang abot ko sa sampung peso sa vendor pero ‘agad namang nag-abot ng pera si Anton. Ba’t ayaw niyang sumuko? Oo, wala naman akong pintas sa ugali niya mas lalo na sa mukha niya pero—pero sadyang wala sa isip ko ang pakikipagrelasyon! Ilang beses ko na rin bang sinabi ang linya na yan sa kanya?
“Libre ko na, Zy.. Sige na, kahit man lang sa pag-libre sa’yo ‘di mo talaga ako kayang pagbigyan?” Inabot nito sa’kin ang stick ng fishball. Tsk! Feeling ko namula ang mukha ko sa sinabi niya—lalo na dahil narinig yun ng vendor. Okay..Fine!
Kinuha ko ang inabot nitong stick. “Sige, fine.. Sa libre mo na nga lang ako mapa-oo, ‘di ba?” I deliberately uttered those prickly words. Ayaw ko na talaga siyang paasahin, eh!
Lalo na ngayon—sa sitwasyon ko!
“Ang sakit ng lalamunan ko—parang stick ang nakain ko dun, a!”
Pabirong sagot nito habang naglalakad kami pauwi—hay, am I that too heartless not to give him a chance? Siguro! Pero yun tipong ayaw mo talagang paasahin ang isang tao? And..I am not that kind of woman na maipagmalaki sa ibang tao—lao na sa kanya. Anton is a son of a lawyer and a teacher.. Ni-isang parte ng pagkatao ko ay walang-wala sa estado ng buhay niya!
Natawa nalang ako sa sinabi niya. Alam kong nasaktan siya—I was aiming to that. Again. Dapat lang na lubayan na niya ako..
“Kahit maldita ako sayo—hindi mo pa rin ako magawang lubayan, ha?” Naglalakad na kami tahak ang daan pauwi. Alam kong may sariling kotse si Anton at hindi nito ugaling maglakad pauwi—kahit hindi ko na itanong talagang ihahatid niya ‘ata ako.
“I know your answer is always a ‘no’.. Pero hindi ibig-sabihin niyon na magagalit ako sa’yo dahil sa kaliwa’t kanang pambabasted mo.. We can be friends, right? You know, I am always right here for you.”
Na-touch ako sa sinabi niya.. Napatingin ako sa gawi niya at ramdam ko ang sincere niyang mga kataga—si Anton ang klaseng taong gugustohin mong maging boyfriend. He has all the attributes of my ideal man, gentleman, humble, sobrang mabait at oo na, gwapo siya! Kaya lang..hindi nga ako ang babaeng maipagmamalaki ng kahit na sino..
“..at forever na hahangaan kita—you stood up alone. You worked hard just to survive—hindi ka umaasa sa ibang tao para mabuhay..” Napahinto ako nang sabihin niya yun. Then, it echoed again..
“That’s why you had to do illegal things like snatching? Or performed like a f***ing prostitute in front of every male just to get money? Work and eat from dirty jobs, is that what people like you really wanted? Damn.”
There’s somebody who appreaciated my worth, since then Anton valued.. Kahit alam niya kung anu-ano nalang ang pinasukan kong trabaho maliban sa pagtitinda ng laman-I will never do that!
Pero mas inuusig ako ng mga salita ng lalakeng—sobra akong hinusgahan. His excrutiating words seemed dragged my deepest soul back to my dark past.. When I was a drug runner; when I saw my team shot a police man; when I they kidnapped for ransom money; when..when they told me to plant a bomb!
Jesus.. How can I be forgiven? How? Na-kahit anong puri ang marinig ko sa iba—ang nakikita ko sa sarili ko ay ang madumi kong pagkatao? Na-kahit anong tama ko sa mali—mali pa rin..
“H-Hindi..hindi mo alam ang sinasabi mo, Anton.. Mauna na ako may—may trabaho pa ako. Salamat sa libre mo! Last na ‘to, okay?” Mabigat kong sabi saka dali-daling tumalikod sa kanya at lumayo.
“HINDI ganyan—look at me.” I showed these young female kids how to punch someone’s balls! I punched and kicked real hard with so much force within—I had to let it all out from me. Those negativity and self-pity that I started to feel again!
After fifty-consecutive straight punches and kicks—I halted gasping for an air to breathe. There! That’s it, Zayna—all unconstrained.
“Got it, girls?”
Habol ang hiningang wika ko sa sampung bata na nasa edad 13 to 15 years old. Today’s my martial arts’ private lessons here in All-Champ Arena. I teach only some basics in self-defense at pagkatapos ay nagwo-work out ako—usually my self-divertion. And I guess, I need a bad one!
“Alright then, see you next time, alright? Good job for today!”
Paalam ko sa mga bata saka lumapit sa’kin ang head master nasi Bryan Chua. Medyo may katandaan na ito pero grabe ang linis ng mixed martial arts skills ni Mr. Chua! I had been his apprentice for three years now—marami akong natutunan sa kanya..
“May problema ka ba, Zy?” Aside from his skills—he’s the only person I can trust. The only person who knew my past. Siya rin lang ang pinagkakatiwalaan ko—he still believes that I deserved chances to live anew. Other than nanay Maria—Mr. Chua believes in me..
“Iniisip ko lang kung..kung anong klaseng buhay meron sa..kulungan.” I hissed teasingly to the old man. That fraud smile on my face as I was wearing my black inner gloves for another work out. Wala akong pasok ngayon sa bar ni Karl—balak ko na ring ibigay sa kanya ang resignation letter ko..
I guess I need to bid my farewell to some my old friends. ‘Pag nakulong ako at makilala ng mga kasamahan ko noon—ikakanta nila ako sa mga kasalanang involved ako. I might be detained for life—patong-patong na kaso ang isasampa nila laban sa’kin. Dapat ko iyong paghandaan..
At least, I had received a deploma by that time—hindi na siguro magagalit sina nanay at tatay sa’kin. Mapaet akong ngumiti at tumayo sabay harap sa malaking punching bag. I started punching and kicking, some basic stunts for tonight’s work out. Wala rin naman akong ka-sparring mate.
“Hindi ka ipakukulong nun dahil ‘di sana’y ora mismo na niya ginawa—kaso, tatlong buwan pa? ‘Wag mo na masyadong isipin yan, Zayna.” Sabi nito. Hindi nga ba?
Huminto ako sa pagsusuntok sa bag—I grabbed my towel and dried my sweaty face. Humihingal akong lumapit sa bintana—nasa second floor ang gym ni Mr. Chua. I checked that familiar black SUV car na palaging nakabuntot sa’kin.
There he is.. again! Nasa loob ng sasakyan ang lalake at parang may kinakausap. Tinanaw rin ito ng matanda sa ibaba kung saan tumungo ang direksyon ng mga mata ko.
“May bumuntot sa’yo? Sabihin mo lang kung kailangang—“
“Mas lalo akong sisipain ng amo niyang papasok sa kulungan, sir—kaya salamat nalang. Anyway, I can handle myself.. Sa tatlong linggong pagbubuntot niyan—so far, wala namang ginawa kundi ang tanawin at sundan ako.” Kampante rin ako na wala talagang masamang intensyon ang lalake. Wala itong ibang ginawa kundi ang abangan ako sa paglabas ng bahay—pag-uwi galing unibersidad at hanggang sa pagpasok ko sa gabi bilang waitress at entertainer.
Puyat siya ng dahil sa’kin.. Sure ako dun! Hmp—ang boring ng trabahong ibinigay ng amo niya. Balang-araw lalapitan ko rin siya at kukumustahin sa trabahong bigay ng amo niya—ah, tama!
May ideya akong naisip—lumiwanag ang isipan ko bigla! Tsk.. I need his boss’s name!
“Tss.. Mapapagod din yan, Zy! O, hindi ka pa ba uuwi? Mag-aalas-otso na ng gabi—yun bodyguard mo nasa labas na’t naghihintay.”
Malakas talaga to makatukso si Mr. Chua—tss! Manang-mana sa’kin, eh. Oo nga naman, feeling ko talaga meron akong bodyguard sa lagay ko ngayon—hmm?
“Uuwi na ako—tatawagan ko pang yung kompanya para sa OJT ko next week.” Nang matapos akong magpalit ng puting-t-shirt ay bumaba na rin ako sukbit ang backpack ko at nagpaalam kay Mr. Chua. Ang naka-pony tail kong buhok ang hinayaan kung nakalugay dahil sa sobrang basa.
Lumapit ako sa itim na SUV—kinatok ko ang tinted window ng driver’s seat. Naka-limang katok na ako pero hindi nito binuksan ang bintana.
“Hayst! At binuksan mo na rin sa wakas!” Ani ko nang saw akas ay binuksan nito ang bintana ng sasakyan—medyo madilim sa loob at nakasombrero pa ang lalake. Wala rin itong kangiti-ngiting nakatingin ng diretso sa daan—‘di sa’kin.
“..a, pwede pakisabi sa amo mo na si—sino nga ba yun..”
“Sir Ylejah Ortega?” Bumilog ‘ata ang mga mata ko nang kumagat siya sa simpleng baliw-baliwan ko! Ylejah Ortega..
“Ah, tama! Yun.. Pakisabi kay Ylejah Ortega na—na masyadong..boring yung trabahong ibinigay niya sa’yo! Bye!” Before the man could react—I stepped and walked away.
Ylejah Ortega.. Why so sound familiar? At ang gwapong mukha niya na kahit nakasimangot at galit na hinusgahan nito ang buong pagkatao ay..hindi ko talaga maiwasan ang—magka-crush sa kanya! Dios ko, baliw na ako..
Ylejah Ortega..