Episode 28 Tristan Deib Saffiro Kaya pala pinagmamadali akong umuwi dito sa mansion ni Mommy dahil sa fix marriage na iyon. Ngayong nagkahiwalay na kami ni Natalia at wala pang kasigaraduhan ang nararamdaman ko. Dumagdag pa itong kasal na sinasabi nila. "Kailan niyo balak kumuha ng wedding planner mga anak?" tanong ng mommy ni Natalia at nakatingin sa aming dalawa. "Ah soon po mommy pag-uusapan na muna po namin ni Tristan," sagot naman ni Natalia. Parang hindi siya nagulat sa sinabi ng mga magulang namin. "Mom kailangan ko na pong bumalik sa Tarlac may kailangan pa po akong gawin doon," paalam ko kay Mommy at tumayo na ako para halikan siya sa pisngi. Nagpaaalam din ako sa mga magulang ni Natalia. Si daddy nasa out of town kaya wala siya ngayon dito. Naglakad na ako papalabas ng ma

