Episode 29 Tristan Deib Saffiro Pagsakay ko sa kotse ko ay pinaandar ko na ito at minaneho patungo sa bahay nila Ashley. Ilang araw na kasi ang lumipas nang makita ko siya sa bahay simula noon hindi na siya nagpupunta sa hacienda. Kaya ako na lang ang pupunta sa kaniya para kausapin siya. Nagmaneho na ako patungo sa kanila ilang kinuto lang ang tinagal nang makarating ako sa tapat ng bahay nila. Tumawag ako ngunit walang sumasagot. Nakalimutan ko naman tanungin si Tita kanina kung nasaan si Ashley. Ilang beses pa akong tumawag pero wala pa rin. Kaya naman naisipan kong pumunta sa kabilang bayan baka sakaling may pasok siya ngayon sa Convenience store na pagmamay-ari ni Momshie. Ang bakla na nakilala namin noon nang tumabay kami roon. Nang makarating ako sa nasabing store agad akong p

