Episode 30 Ashley Buenaventura Kinabukasan nagising ako na may ngiti sa aking mga labi. Maayos na rin ang pakiramdam ko at masaya ako dahil ayos na kami ni Tristan na pag isip-isip ko kagabi na dapat ko ng aminin sa kaniya ang tunay kong nararamdaman. Kaya naman naglinis muna ako ng bahay at naligo para agad aking makapunta sa hacienda. Handa na akong sabihin sa kaniya na mahal ko siya. Nang matapos ako sa paliligo nagbihis na ako ng simpleng damit pagkatapos ay umalis na rin ng bahay. Nang makarating ako sa hacienda nakita ki si Drake na nasa beranda kausap si Ajus. Parang ang seryoso ng pinag-uusapan nila kaya naman nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at nilagpasan lang sila. Pinuntahan ko si Nanay. Binati ko si Nanay at hinalikan siya sa pisngi. "Nay parang pumayay po kayo," sab

