Episode 31 Ashley Buenaventura Sa aking unang pag-ibig at sa aking unang pagkawasak. Napakasakit pala na umibig sa ganito pala kaya maraming tao ang nababaliw at ayaw ng buksan muli ang kanilang puso para sa ibang tao. Pero sa tuwing nasasaktan naman ako laging nakaantabay sa akin si Drake. Hindi ko alam laging nagkakataon na pinagtatagpo ang aming landas sa tuwing ako ay may dinaramdam. Umiyak lang ako ng umiyak sa kaniya at sinabi ang lahat ng nararamdaman ko. "Sinabihan na kita 'di ba, pero ayos lang iyan natuto ka lang. Kaya sa susunod pakasiguraduhin mo muna na pareho kayo ng nararamdaman para hindi ka masaktan," bilin sa akin ni Drake. Parang ang dami niyang alam sa buhay pag-ibig e dakilang babaero nga siya. Siguro na saktan din siya noon kaya ganito siya sa akin. Hinintay niy

