Episode 32 Tristan Deib Saffiro Nang aminin sa akin ni Ashley na mahal niya ako. Wala akong ibang masabi dahil hindi ko alam ang nararamdaman ko para sa kaniya lalo na't ikakasal na kami ni Natalia. Ayokong madisaapoint sa akin sila Mommy kaya naman sinabi ko na ang totoo kay Ashley. Alam ko nasaktan ko siya at nabigla ko siya sa sinabi ko pero wala na akong magagawa kahit gustuhin ko man na mahalin siya. Oo gusto ko siya at napapasaya niya ako sa tuwing magkasam kami pero hindi sigurado ang nararamdaman ko sa kaniya. Kahit ayoko ko siyang saktan wala e...masasaktan at masasaktan ko lang siya. Alam ko napakagago ko na sinayang ko si Ashley pero hindi pa siguro ito ang panahon na nilaan para sa amin at baka hindi kami ang tinadhana. Dahil hanggang ngayon si Natalia pa rin ang tinitibo

