Episode 48 Ashley Buenaventura Ilang araw ko na rin nakakasama si Tristan. Tila bumalik na yung dati naming samahan noong nasa hacienda pa kami noon. Marami rin akong napansin na pagbabago sa kaniya. Kaya naman hindi ko maiwasan na mahulog muli sa kaniya. At talagang makikita mo sa mga kilos niya na handa siyang patunayan ang tunay niyang nararamdaman para sa akin. Natutuwa akong makita siya na gano'n dahil hindi ko makakaila na may pagmamahal pa rin ako sa kaniya. At ngayon kasama ko siya dito sa opisina ko. Lagi na rin siyang tumatambay dito dahil gusto niya daw akong bantayan. 'Di ba mukhang timang lang sa tanda ko na ito kailangan niya pa akong bantayan. Kahit ilang bese kong sabihin sa kaniya hindi niya na ako kailangan bantayan mapilit pa rin sita kaya hinayaan ko na lang. Ilang

