Episode 49 Tristan Deib Saffiro Hindi ko alam kung paano ko ipagtatapat kay Ashley ang pagmamahal ko sa kaniya. Nandito ako nga yon sa kwarto ni Grandma upang mag-isip at mag-ipon ng lakas ng loob para mamaya. Kailangan ko pang-ayain si Ashley na mamasyal sa hacienda dahil doon ko gagawin ang surprise ko para sa kaniya. Kinakabahan ako baka tanggihan niya ako. Hindi ko na kayang maghintay ng matagal na panahon para lang sabihin sa kaniya na mahal ko siya kaya naman ito na ang itinakdang araw para aminin sa kaniya. Balik-balik lang ako dito at hindi mapakali dahil sa kaba ko. Hindi ko magawang kumalma dahil na nga sa takot ko na ma-reject ako sa gagawin ko. Alam na rin ito ng mga kaibigan ko at tinulungan din nila akong mga ayos sa pagsurpresa ko kay Ashley. Tumulong din sa pagpaplan

