Episode 50 Ashley Buenaventura Hindi ko alam ang nararamdaman, hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang araw kung kalian naging kami ni Tristan. I did not expect that he will turn out into something like this. Na napaka-sweet at napaka-alaga. Isang buwan na rin ang lumipas simula noong maging kami at saksi roon ang lahat ng tao sa hacienda. Sobrang tuwa rin ni Senyorita niyang malaman niya na kami na ni Tristan. Hindi pa rin akong makapaniwala na ang taong pinapangarap ko lang noon ay akin ng kasintahan ngayon. At sa isang buwan ng relasyon namin ni Tristan walang araw na hindi niya ako sinusurpresa. Napakalambing niya rin, hindi ko talaga inaasahan na darating ang araw na ganito. Na siya rin pala ang taong magpapasaya sa akin. Naging masaya naman ang unang buwan ng relasy

