Episode 42 Tristan Deib Saffiro Maaga akong nagising para pumasok sa trabaho hindi naman kami gaanong naglasing kagabi kaya naman nakauwi pa iyong tatlong mokong. Paalis na aki ng condo ko patungo sa Airlines, balak ko rin puntahan mamaya sa shop niya si Jovilyn. Dati galit na galit siya sa akin at ayaw sabihin sa aking kung kamusta na si Ashley. Alam niya ang nangyari sa amin ni Ashley noon kaya naman nagalit siya sa akin dahil pinaasa ko lang daw ang Best friend niya. Hindi ko man gustong saktan noon si Ashley pero nabulad ako sa pagtingin ko kay Natalia kaya hindi ko nakita ang kahalagahan niya. Kaya naman sinuyo ko pa itong si Jovilyn at iyon nga napatawad niya ako at inamin ko rin sa kaniya ang tunay kong nararamdaman para kay Ashley kaya naman ngayon isa na siya sa tutulong sa ak

