Episode 43 Ashley Buenaventura Hindi ko namalayan na nakatulog ako kaya naman ng magising ako gabi na at nandito na sa bahay si Bes. Nakapaghanda na rin siya ng hapunan naming dalawa. Nang mapalingon siya sa akin ay nagulat pa siya. "Oh Bes nandiyan ka na pala sakto ang dating mo upo ka na para makakain na tayo," sabi niya kaya naman naupo na ako at nagsandok ng pagkain. Siya naman ay naupo na rin sa tapat ko. "Bes nagkausap na ba kayo ni Tristan?" biglang tanong niya sa akin. Kaya naman napatigil ako sa pagsubo ko. "Sinabi ko naman sa'yo Bes na hindi ko pa siya kayang kausapin ngayon lalo na't dumating pa si Calix at kailangan na naming asikasuhin iyong pinapatayo naming hospital sa probinsya," paliwanag ko sa kaniya. Hindi ko pa kasi kayang harapin si Tristan lalo na alam ko na hin

